CHAPTER 89

41 3 0
                                    

"TIAN--" hindi natapos ni Fari ang sasabihin ng iharang ko ang palad sa kanya.

Hindi ko pinansin ang mga kaibigan kong nasa sala at nag-aabang sakin.

Dumiretso ako sa kwarto at nilock iyon saka humiga sa kama.

"TIGILAN NIYO MUNA AKO!! PWEDE BA!!?" sigaw ko ng marinig ang ilang katok at tawag nila sakin.

Inis akong bumangon at pumuntang banyo. Inalis ko lahat ng suot saka bumabad sa bathtub.

Ayokong mag-isip tungkol sa nangyari ,hindi ko kayang isipin lahat at lalong hindi ko matanggap.

Hindi ko kaya...

"Apo"tawag ni Grandma ng maabutan ako sa may garden,nagmumuni-muni.

Nag-iisip kahit wala naman akong naiintindahan,walang pumapasok na maayos sa isip ko.

"Grandma,gabi na po...bat di pa kayo nagpapahinga?" nag-aalalang tanong  ko dito pero tumabi lang ito sakin.

Kahit papaano ay ayokong magalit kay Grandma.

"Alam ko namang hindi ka okay,kaya hindi ako makakapagpahinga" sabi nito.

Gusto ko tuloy makonsenya dahil naaapektuhan na pala ang kalusugan nito.

"Gusto niyo bang tabihan ko kayong matulog? Halina napo kayo,hindi maganda para sa kalusugan niyo ang magpuyat" pakiusap ko dito pero nakatingala lang ito sa paligid.

Maliwanag naman dito dahil sa kabilaang ilaw.

"The pain you feel today,will be the strength you feel tomorrow" biglang sabi nito.

Aishh,narinig kona po 'yon.

"Mas mahihirapan ka pag hindi mo matanggap" sabi nito.

"Ayoko ko po....." sabi ko saka yumuko dahil parang magbabadya na naman mga luha ko.

"Ayaw mo ba o hindi mo lang talaga kaya?" diretsong tanong nito kaya natigilan ako.

Sobrang tumagos eh.

"Hindi ko kaya kase natatakot ako,grandma. Natatakot ako na baka hindi ko kayain ang ganung responsibilidad" sabi ko.

Pano pag maging palpak ako para sa ganong posisyon?

"Kung nakayanan namin, siguradong makakaya mo rin... Apo kita kaya alam ko 'yon" sabi nito.

"Alam mo ba ang sinabi ng Mom mo sakin dati?" tanong nito na nakangiti.

"Ano po?" tanong ko.

"Mas mabuti ng mabigo,kaysa maduwag" sagot niya.

Awch! Sapol again.

Naduduwag ba ako? Talaga namang mahina ako eh.

"Grandma,alam niyo naman po yung nangyari bago ang Birthday ko diba? Yung tampuhan namin ni Charby dahil nalaman kong isa pala siyang Ceveste at isang---"

"talagang merong panibagong sakit pag dimo pinakawalan yung una" sabi nito.

"Tanggapin mo ang mga katotohanan  sa nakaraan bago mo harapin ngayon ang kasalukuyang katotohanan,Tiana" malumanay nitong sabi.

Hindi naman sa ganon eh,tanggap ko naman 'yong kay Charby sadyang nalilito lang ako sa ngayon.

Pakiramdam ko ay pinagkaisahan na naman ako at kinulong kasama ang hindi totoong kasiyahan.

Para lang akong pinatikim ng masarap na adobo,panandaling saya.

Yung akala ko talaga maayos na ang takbo ng buhay ko pero nung malapit na ako sa finish line ay saka ko narealize na maling daan pala tinatahak ko.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon