Chapter 138

20 0 0
                                    


TIANA's POV

"MAGPALAMIG na muna kayo." sabi ko at nananatiling nakaupo.

"Kailangan ko 'yon ngayon tsk pero may umepal na naman sa transaksyon natin!" kunot-noong sabi ni Ivette.

"Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

"May gustong humarang lang naman sa mga tulong na binigay natin para sana sa mga malalayong lugar." sagot nito.

Ang Ceveste ay nagbibigay tulong lalo na sa mga malalayong lugar na mahirap makabili ng pagkain at tubig.

Ngayon palang ata nagkaproblema.

"May gustong sumabotahe Hahaha mabuti na lang naayos agad ng mga clevers." sabi nito.

"May nasaktan ba?" tanong ko.

"Wala naman po Lady M. ,gusto lang ata sila takutin o pagnakawan pero natakot ata sila sa clevers pfft , 'wag na kayong mag-alala...maayos na 'yon at dumating na rin 'yung mga tulong" sabi nito kaya nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti.

"Okay, salamat" sabi ko.

Tumayo naman sila at isa isang umalis habang pinili ko munang manatili dito. Pumunta ako kung sa'n ako laging nakapwesto,nakikita kona ngayon ang papalubog na araw.

Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay ngumingiti din ang araw sa'kin at niyayakap ako ng hangin.

Maayos naman ang relasyon namin,talagang binibigay lang talaga nila ang oras na kailangan ko.

Nakakausap ko rin minsan si Pops at sinabi nitong naghihintay na lamang sila ng warrant of arrest para kay Saturno, sa tito ko.

*Bzzzzz

Kinuha ko naman ang phone ng magvibrate ito, merong mga mensahe at hindi nasagot na tawag.

Tiningnan ko naman ang unang mensahe.

*I'm okay, don't worry. Thank you for your trust. See you soon.*

Napangiti naman ako. Sana nga.

"Hey Ate Euryz!!" bati ko ng sagutin niya ang tawag ko.

'Tiana' nakangiting sagot niya dahil nagv-video call kami.

"Namiss kita! AHAHAA kamusta na?" tanong ko.

'Namiss din kita kaya nga ako napatawag kanina, okay naman ako dito..ikaw ba? kamusta kayo?'tanong nito

''Okay naman ,ganun pa rin Hahaha pasensya na hindi ko nasagot tawag mo kanina, busy lang hehe''

'Ayos lang hahaha, 'wag kang mag-aalala...maayos rin mga iniisip mo ngayon, ikaw paba?' napangiti naman ako.

"Oo naman, eh kayo ni Kuya Hux? nag-usap naba ulit kayo?" tanong ko pero ngumiti lang ito pero nakikita ko naman ang kirot sa mga mata nito.

'Matapos niya akong pagtabuyan hahaha hindi na ako umaasang makakausap ko s'ya ulit o makikita.' sabi nito.

"Pero lagi ka namang tinatanong sa'kin, tss. tsaka 'wag mong sasabihin na hindi kana babalik dito? aba! magtatampo kami sa'yo, gusto ko rin mag ninang hehe." sabi ko.

' Bakit? hindi paba lumubo si Fari? Hhahahaha.' natawa naman ako sa sinabi nito.

"Naku, ewan ko lang kung magkakaayos pa sila.. parehong mataas ang pride tsk tsk." sagot ko.

Inubos kona lang 'yung oras sa pakikipag-usap kay Ate Euryz at sandaliang winaksi mga iisipin ko.

Bago paman tuluyang dumilim ay bumalik na ako sa kwarto. Nakita ko pang lumabas si Razen sa kwarto nito kaya ngumiti lang ako bago naman pumasok sa kwarto ko.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon