CHAPTER 2

247 11 0
                                    

"GOOD MORNING!!!"

Ang ingay talaga ng baklang 'to! Bakla po talaga si Charby.

"Goodmorning." bati ni Fari, may dala-dala pa itong mga libro. "Morning." bati ko at sabay na kaming naglakad sa hallway.

"Oh angyare sa face mo?" tanong ni Charby sabay turo sa nakasimangot kong mukha. 

"Aha! Alam kona HAHAHAHA nahuli ka kagabi, right?or left?" hindi kona lang pinansin at pumuntang canteen.

"Sabi ko sayo eh. " nag-apir pa ang dalawa.

Ang aga-aga kung anu-ano naman ang sinabi ni Dad. Sabi niya baka late na raw ako umuwi, duhhh paano n'ya nalaman? Sa pader kaya ako umakyat kagabi pero nakalimutan ko atang may CCTV. 

"HELLLOOOO GURLLLL!! SAANG PLANETA KANA BA?" nagulat pa ako sa sigaw ni Char, kaya napatingin ang ibang estyudante sa amin. 

"Tsk! badtrip ako ngayon dahil kay Dad." sumimangot naman ako sabay upo.

"Eh kase naman, kung ako magiging nanay mo ay pagagalitan kita." bulyaw ni Char

"Halerrrr bayott! Asa ka pa ang maging isang NANAY? Gisingggg baka nananaginip kalang." sabay alog kay Charby.

"Pag naging kayo magpaparty ako, lahat imbitado." nagkatinginan pa sila sabay... "YUCKKKKK!!" tawang-tawa ako sa reaksyon nila, lalo na kay Charby HAHAHA.

"Yokooo nga! Daig pa nakalunok ng mega phone 'yang boses n'ya, nakakarindi!"
nandidiri pa rin si Charby, pinakamaingay si Fari sa amin kulang na lang at ipadala na ito sa mental. Madami rin siyang kaibigan dahil nga sobrang ingay niya.

"Pwede na sa'kin si Charby, gusto kong magkajowa ng bakla hehe, Charby rawr." napalayo naman si Char sa kanya. 'Yung itsura niya epic! "Pakiss nga fafa Char." ngumuso pa ito kaya napatayo na si Charby habang ako kumakain burger. Naaaliw sa kanilang dalawa.

"Ewwwwww! Nakakadiri ka Fari! Naku, Tiana mauna na ako at baka marape pa ako ng babaeng 'to. " tumango lang ako rito.

"Pananagutan naman kita Char eh HAHAHAHA byeee muahhhh." nagflying kiss pa ito kaya tumakbo na si Charby. "Hahhahaha baliw ka talaga." suway ko sa kanya.

Tawang-tawa naman at umayos nang upo. "Baklang 'yon! Kala mo papatulan ko, may crush na kaya akoooo wahhh ang cute niyaaa... ang singkit ng mataaa gurl." ang hilig niya sa singkit guys.

"Anong name?" tanong ko.

"Hehe pinapa-imbestigahan ko pa." sabi nito. "Stalker." sagot ko at inubos na ang kinakain.

"Excuse me? Sa ganda kong 'toooo? Stalker!? How dare yah!? Dapat admirer para sosyal." sabi nito at napailing na lang ako.

Tumayo na kami at papalabas na sana ng may nabangga ako kaya natapunan ang suot ko, ganoon din siya sa kaniya. 

"Sorry." paumanhin ko dahil sa nangyari.

"OMG!!! Stupid" sigaw nito, umayos naman ito ng tayo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Maganda ba?" tanong ko. Umirap naman ito at medyo lumapit sakin.

"Are you blind? Ha? Tingnan mo nangyari sa mahal kong damit. " tiningnan ko naman ito.Cheap!

"And then?" tanong ko kaya mas lalo namang lumaki ang mga mata nito. Clown.

Mukhang mauubos oras ko rito. "Sumasagot kapa talaga? Kahit buhay mo 'di mo mababayaran itong damit ko!" nabobored na ako sa mukha niya, sarap sapakin.

"Mukhang wala ka nga talagang pera, kaya lumuhod kana lang sa harap. Faster stupid!" utos nito kaya kumunot ang noo ko. Lumuhod?Hell no!

"Why would I?" tanong ko.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon