NAWALAN ako ng gana ng ilang-araw,pakiramdam ko sobrang pagod ako,tsh.
Hindi kami nag-uusap ng maayos,siguro nung dahil parin sa nangyari? Ewan.
Nagising ako ng makaramdam ng pagkauhaw pero wala na akong tubig sa mini ref ko dito sa kwarto kaya lumabas na lang ako papuntang kitchen.
Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso saka ito ininom.
Tumayo pa ako ng ilang minuto bago naisipang bumalik sa kwarto pero napahinto ako ng may narinig na tunog.
Mula ito sa music room kaya ilang hakbang lang ay tinanaw ko kung sino ang nandun dahil nakaawang naman ng konti ang pinto.
~Its 2am but I'm still here awake~
Your beautiful face keeps flashing on my mind~
I hear your voice and the way you say my name~
It's like reality and make believe combined~~Nakaupo si Razen malapit sa piano pero nakahawak ito ng gitara habang sinasabayan ng kanta.
~I recall the time when I sat right beside you ~
And you talk about how good your life has been~
When your eyes meet mine,my voice and hands starting shaking~
And everything I am starts caving on~Hindi ko namalayang nakatayo na pala ako sa harap nito,habang ang mga mata namin ay nag-uusap.
Hindi ito tumigil bagkus ay nagpatuloy siya sa pagkanta habang nakatingin sa mga mata ko.
~I fell like crashing, drifting~
Sinking way to deep~
I feel like flying,dreaming~
Even though I'm not asleep~~And I pray to God to give me strength
'Cause your beauty makes me weak~
But I'm not lying~
I feel like crashing right into you~Nakipagtitigan ako sa mga mata nitong malungkot kaya para naman akong natutunaw dahil 'don.
Ilang-araw ko kasi itong hindi pinansin,hindi ko alam kung bakit?
"nice" komento ko ng hindi na ito kumanta pa pero pinapatugtog ang gitara.
Dahan-dahan nitong tinabi ang gitara saka tumitig sakin.
Malamya itong tumayo saka ako niyakap ng mahigpit kaya bigla namang nagwala ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.
"Imissyou"mahinang sabi nito saka ulit tumitig sakin,mapupungay mga mata nito.
Nag-uunahan naman ang tibok ng puso ko , parang karera lang itong nag-uunahan.
Naestatwa pa ako dahil hinalikan niya ako.Halik na mabagal pero may emosyong dala.
Nagtagal ito at parang mawawalan pa ako ng hininga,hinaplos nito ang pisngi ko habang direstong nakatingin sakin.
May kung anong liwanag akong nakita sa mga mata nito,he's happy.
----
NAKANGITI akong kumakain kaharap sila.
"Oy Tiana okay ka lang?" tanong ni Yaco saka uminom ng gatas.
"Hmmm" sabi ko dahil may laman pa ang bibig ko ng pagkain.
"Panay ang ngiti mo kanina pa ah,kulang na lang pati butiki ay ngingitian mo" sabi dito pero ngiti lang din ang sinagot ko sa kanya.
"Weird" sagot ni Prix.
Natamaan pa ng tingin ko si Razen na nakatingin sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.
Ayan! dina tuloy ako makakain ng maayos,aish!
"Tiana bigyan mo ako nyan"nakangusong sabi ni Yaco sa pagkaing nasa plato ko.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...