ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Siguro wala na naman si Sir Johnser sa office niya. Napaka-busy na kasi nito lalo na dapat raw mapa-oo daw yung bigating negosyante. May ila-launch kasi silang bagong cp at kailangan nila ng partner dahil malaki-laki ang gagastusin nila. Kaya di na ko magtataka kung palaging wala siya.
Pagkapasok sa loob, nakita kong wala nga siya. Ano pa nga ba i-eexpect ko? Nagsimula na nga ako magpunas sa mga naka-display. Di inaasahan marahas na bumukas ang pinto at laking gulat na makita ko si Sir Johnser. Mabilis ang hakbang niya at salubong na salubong ang mga kilay niya. Dali-dali naman tumungo siya sa kanyang table at marahas na kinalat ang mga gamit doon.
"Ahhh!" Sigaw nito sa sobrang galit halos napasinghap ako sa ginawa nito. Kinuha niya ang upuan na tangkang ibabato na sana nang natigilan ito nang makita ako. Hindi niya ata ako napansin kanina.
Ako naman ay nanlalaking mata na nakatingin lamang sa kanya. Ngayon ko lang makita siyang magalit ng ganun. Ito ba sinasabi nila na nakakatakot siya pag magalit? Na pag hindi nako-kontrol ang galit niya, nakakapanakit siya ng ibang tao?
Kinabahalan naman ako bigla. Naniniwala akong mabait si Sir. Nadadala lang siya sa nararamdaman ngayon. Pareho lamang kami natigilan habang nakatingin sa isa't-isa.
"Sir, gusto nyo po labas muna ako?" Ako na ang bumasag sa katahimikan namin."Bilhan na rin kita ng chocolate. Pag medyo di maganda pakiramdam ko, kumakain ako ng chocolate para mahimas-himasmasan ako." Sabi ko pa.
Nawala na lamang ang galit na nararamdaman niya. Binaba na niya ang upuan at napabuntong-hininga. Dali-dali naman ako lumabas para bumili ng chocolate. Pagkabalik, nakita ko si Sir Johnser na naka-upo sa desk niya habang tulala ito nakatingin sa daliri niyang naglalaro sa lamesa.
"Sir." Tawag ko dito.
Napatingin naman ito sa akin.
Lumapit ako dito at nilagay sa harapan niya ang chocolate na binili ko sa canteen.
"Pasensya na, Sir kung yan chocolate na binili ko. Ang mamahal kasi nung iba at yan lang mura. Hehehe." Paliwanag ko sa kanya."Kainin mo yan, Sir. Alam kong gagaan ang loob mo." Nakangiting sabi ko.
Tiningnan muna ako bago sa chocolate na binili ko. Dahan-dahan kumuha ng isa at binuksan. Pagkabukas ay kinain iyon.
"Ayos ba, Sir? Di ba nakaka-enjoy kumain ng chocolate? Maya nyan, okay na yang nararamdaman mo."
Tumango siya at ngumiti ng natural."Oo." Sagot din niya.
"Sabi ko na sayo, Sir. Effective talaga yung turo sakin ni Mama." Sabi ko sabay tawa.
"Nakita ko sa resume mo, taga probinsya ka." Panimula nito.
"Opo." Sagot ko sabay tango.
"Sino kasama mo dito?" Tanong nito.
"Ako lang po pero may kasama po ako si..." Ano ko si Ros? Ano sasabihin ko dito?"..k-kapatid ko. Hehehe." Sa huli, sagot ko.
"What are you doing here? For work?" Patuloy na tanong nito.
"Para po hanapin ang papa ko." Sagot ko na tila naging seryoso ako.
Natigilan naman si Sir Johnser nang makita sa aking mga mata ang lungkot. Hanggang ngayon di ko pa naaalala ang sinabing pangalan ni mama. Ano ba kasi pangalan ni Papa.
"Sir, wag kana magtanong pa. Baka umiyak lang ako. Ayaw ko umiyak ngayon. Hehehe." Sabi ko kaagad na magtatanong pa sana siya.
Walang magawa, tumango na lamang siya.
Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pintuan. Pagkapasok, iniluwa doon ang assistant niyang si Ramon. Napagilid naman ako nang napadaan ito sa akin. May binulong ito kay Sir Johnser na ito lang makakarinig. Pagkabulong, tumayo na sa kinauupuan si Sir.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...