Chapter 74:

479 20 4
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkarating namin mabilis naman ako hinila ni Lemuel paalis. Nang malayo na kami saka niya ako binitawan at nagtago sa puno ng mangga.

"Anong gulo itong pinasok mo, Beth? Anong kapatid mo 'yong kano na 'yon?" Kunot-noong tanong nito sa akin.

"Kano? Di naman siya amerikano, pinoy siya." Pagtatama ko.

"Ay? Pinoy ba siya?" Nalito na tanong nito."Wag mo baguhin ang topic natin. Tinatanong kita, bakit alam ng mga boss mo na kapatid mo 'yong lalaking iyon? Saan mo siya napulot?" Kunot-noo pa ring tanong nito.

"Lem, di ko kasi alam paano ko ipapaliwanag---"

"Bakit? Ipaliwanag mo," pilit nito.

"Di ko alam saan ko sisimulan pero---" naputol ulit ang sasabihin ko.

"Kailangan ko ang paliwanag mo. Paano ako makikisakay sa sekreto mo kung di mo sakin sasabihin ang totoo? Gusto ko ang katotohanan para mapalagay itong nararamdaman ko. Para alam kong hindi ka mapapahamak sa gulong ito." Paliwanag nito.

Humugot muna ako ng hininga.

Kailangan ko talaga ipaliwanag ang lahat para matahimik na si Lemuel. Pag di ko pa rin sabihin baka magalit ito sa akin saka ibunyag pa niya sekreto namin ni Ros kila Sir Johnser.

"Ganito kasi 'yon..."

JOHNSER SY POV:)

"Naku mga hijo! Mabuti naman napasyal kayo sa probinsya." Nakangiting bungad ng isang babaeng nasa edad ay 50+. May nilapag ito sa lamesa ng prinitong...ito ba 'yong tuyo ng mahihirap?

"At salamat dahil itong bayan namin ang napili n'yo para sa programa ninyo." Nakangiting dugtong rin ng lalaking nasa 50+ rin ang edad. Mag-asawa ata ito at magulang ito ni Lemuel.

"Wow! Dried fish! I love tuyo!" Parang bata na saad ni Ros.

Nakaupo na kami sa harap lamesa na gawa sa kahoy ng niyog at upuan rin na gawa rin sa niyog rin na tila pinutol lamang ang puno. Mahaba itong lamesa na mukhang kasya kaming lahat dito. Nasa lilim kami ng isang mangga at nasa labas kami ng bahay ng kaibigan ni Elizabeth na si Lemuel.

Sa sitwasyon naming ngayon, parang napapanood ko ang eksenang ito sa mga drama na ang mga bida ay nasa probinsya.

Dahil madami kami, bale tatlong lamesang ganito ang nandito. Mukhang pinaghandaan nila ang pagdating namin. Dahil hindi sapat sa amin ang lahat, lumabas din sila ng limang lamesa na gawa rin sa kahoy at mga upuan na plastic.

"Salamat po sa mainit na pagtanggap sa amin dito." Nakangiting pasalamat ni Mandy dito.

"Kami dapat magpasalamat sainyo dahil marami dito sa amin matutulungan nyo. Oo nga pala, ako pala si Lorna, matandang dalaga." Pakilala nito sabay tawa.

Matandang dalaga? Ibig sabihin, hindi sila mag-asawa? At hindi siya magulang ni Lemuel?

"Ako naman si Trino, ama ni Lemuel yung sumundo sainyo kanina," nakangiti ring pakilala rin ng lalaki. Ibig sabihin, ito ang ama ni Lemuel. Saan ang nanay niya?

"Opo, nakilala na po namin siya. Best friend pala niya si Elizabeth," nakangiting wika ni Dylan.

"Andito na ang pagkain!" Bulalas na lamang ni Aling Lorna.

Napatingin kami nang makita si Kapitan Kiko na may dalawang malaking lagayan ng pagkain at may kasama pa siyang limang lalaki na may kanya-kanyang dalang pagkain. Nilapag ng mga ito kada mesa ang iba't-ibang ulam na inihain nila.

"Wow! Tortang talong!" Manghang saad ni Mandy. Napatingin naman ito sa nilapag ng isang lalaki."Wow! Kamatis!" Bulalas ulit nito."Nakakahiya po sainyo. Nag-abala pa kayo  sa amin." Aniya.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon