LEANDRO YU POV:)
Nandito ako ngayon sa lugar na saan nakatira ngayon ang anak kong si Elizabeth. Nasa kotse lamang ako at hinihintay na lumabas ito sa apartment na tinutuluyan nito.
Di naman nagtagal, lumabas na ito kasama ang lalaking kamukha na kamukha ni Clive.
Binaba ko naman kaunti ang bintana para makita sila ng maayos.
"Huwag mo na ko ihatid. Bumalik kana doon." Sabi nito dito habang naglalakad na ito.
Sinusundan lamang ito ni Elizabeth sabay hawak sa braso nito."Oo, uuwi din ako. Promise! Kahit hanggang doon lang sa poste kita ihatid." Nakangiting sagot niya dito.
"Sige, basta umuwi ka kaagad. Wag ka nang gumala-gala dito." Inalis nito ang kamay ni Elizabeth sa pagkakahawak sa braso niya para hakbayan na lamang ito.
"Oo." Sabay ngiti ng matamis dito. Pinitik naman nito ang noo nito."Aray! Para saan 'yon?" Sabay sapo sa noo.
"Wala, love na love kasi kita."
"Wow? Ganoon na ba ang paraan para iparamdam na love mo yung tao?" Naka-pout na turan ng anak ko.
Tumawa naman ito."Oo."
"Oh sya! Dito nalang. Mag-iingat ka ah?" Paalam ni Elizabeth dito.
Kiniss nito ang noo ng anak ko."Sige, tawag nalang." Sabi nito habang pa-atras na naglalakad.
"Oo. Ingat! I love you!"
"I love you too, Elizabeth!" Sweet na sigaw nito.
Kumaway-kaway na lamang ang anak ko nang naglalakad na ito paalis. Di naman nagtagal, naglakad na rin ito paalis pabalik sa apartment nito.
Medyo naging kampante na rin ako dahil totoo ang mga sinabi niya sa akin. Na matino ang boyfriend niya at hindi nito magagawang paiyakin siya. Base sa mga natuklasan ko ngayon, mukhang mahal na mahal nito ang anak ko. Nawala na lamang ang pangamba sa dibdib ko dahil may kasama ang anak ko na nagpapasaya sa kanya sa tuwing malungkot siya.
Mabilis ko na lamang sinara ang bintana ng kotse nang tumingin na lamang sa kinaroroonan ko si Elizabeth. Mabuti na lamang hindi ako nito namukhaan. Iiling-iling na nagpatuloy na ulit ito sa paglalakad pauwi.
Nakatingin pa rin ako dito habang papalayo ito.
JOHNSER SY POV:)
Pagkababa ko ng hagdan, narinig ko na lamang ang ingay mula sa kusina. Sa pagtataka ko, tumungo ako roon. Naabutan ko naman sa dining room ang mga abalang katulong namin na nilalagay sa mahabang mesa ang maraming pagkain.
Lumabas naman mula kusina si Eladia, ang tagapangalaga ni Lola.
"Ilagay mo 'yan sa gitna. Oo, yan. Very good! Ito naman, ilagay mo dito. Hoy! Yang hawak mong mga kutsara, ilagay mo sa gilid ng plato. Wag mo kakalimutan ang mga tissue." Utos nito sa mga katulong.
Lumapit naman ako dito."Anong meron?" Tanong ko.
"Oh! Good morning, senyorito! Pauwi na ngayon ang iyong Lola Valencia galing hospital." Masiglang sagot nito.
"Ah? Idi-discharge na siya ngayon sa hospital?" gulat na sabi ko.
"Oo. Wala ba nagsabi sa'yo?"
Natahimik na lamang ako. Sino naman sa pamilya namin ang mag-iinform sa akin e lahat sila turing sa akin hindi pamilya. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Kahit sino sa atin masasaktan tayo pag ganito turing sa'yo ng mga kadugo mo.
"Ma'am Eladia, andyan na po sila!" Sabi ng katulong na pumasok kaagad sa dining room.
"Oh my god! Bilisan n'yo na! Andyan na si Doña Valencia. Hoy, Cathy, pakibilisan mo na dahil panigurado magsasalo-salo kaagad sila pagkarating." Baling nito sa mga katulong at bakas sa mukha at boses nito ang kagalakan.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...