Chapter 106:

332 17 6
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nandito ako ngayon sa sementeryo, kasama sila Aling Martha at mga kaibigan ni Anthony pati na rin si Sir Johnser, andito rin. Kakalibing lamang kay Ros at nagsi-alisan na ang ibang tao pero nanatili pa rin akong nakatayo. Hindi ko pa rin mapigilang lumandas ang mga luha sa aking mata at hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Ros.

Ang saya pa namin noon tapos isang araw, ito na mangyayari sa kanya. Makikita ko siyang nakahiga pero sa ilalim na ng lupa. Humihiling ako na sana bumalik ang oras, sana nailigtas ko siya ng mga panahon iyon. Kung mangyari mang bumalik ang oras, hindi ko na hahayaang maulit ulit iyon sa kanya.

Niyaya na nga ni Aling Martha ang apat. Ayaw pa sana ng mga ito na iwan ako pero napilitan na lamang ang mga ito na umalis Ako na lamang naiiwan dito at si Sir Johnser. Nakatayo lamang ito sa likuran ko at naghahanap ng tiyempo na tanungin ako.

"Elizabeth---"

Pinutol ko ang gustong sabihin nito."Iwan n'yo po muna ako, sir. Gusto ko po munang mapag-isa." Sabi ko habang nakatalikod dito.

Di naman napatuloy nito hawakan ang balikat ko."S-sige."

At unti-unting binawi nito ang kamay.

Dahan-dahang tumalikod ito. Nagdadalawang-isip pa ito kung iiwan akong mag-isa dito. Pero sa huli, pinili na lamang niyang umalis at iniwan akong mag-isa dito.

Nang hindi ko na maramdaman ang presensya nito, doon ko nang sinimulan ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Humagulhol na lamang ako ng iyak na kanina ko pa pinipigilan kanina.

"Ros..." Sambit ko at napaluhod ako sabay hawak sa dibdib ko. Ang sakit! Ang sakit talaga mawalan ng taong mahalaga sa'yo.

****

Tatlong araw na ako nagkukulong sa kwarto ko. Lumabas ako para kumain ng tanghalian. Alas dos na ng hapon at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.

Naabutan ko naman sa labas ng sala na nagpupunas ng sahig si Pubg.

"Ate Beth! Nagluto ako ng paborito n'yo ni kuya Ros---" mabilis naman nito tinakip ang bibig.

Walang sigla na tumango lang ako sa kanya at naglakad na papasok sa kusina. Malumbay na kumuha na ako ng plato at kutsara. Pagkakuha ay umupo na din ako kaagad sa upuan. Pagkabukas ko ng nakatakip sa ulam, natigilan na lamang ako nang makita ang ulam.

Flashbacks...

"What's this?" Nandidiring tanong ni Ros sakin habang tinitingnan yung munggo na binili ko sa karinderya malpit sa apartment.

"That? This is Ginataang Munggo." Nakangiting sagot ko.

"Ginataeng Munggow?" Ulit nito sa sinabi ko. Masyado pa siya di magaling sa pagsasalita ng tagalog pero okay na rin.

Nakangiting matamis tumango ako.

Kinuha niya yung kutsara na nasa gilid ng plato niya at sumandok nito. Halos parang bata na sinusuri ito.

"It's so sticky. Yucks!" Sabi niya sabay binalik ulit yung munggo na sinandok niya sa kutsara.

Uminit naman ulo ko sa ginawa niya.

"Yah!" Galit na singhal ko.

"Ouch!"

Ano pa ba ginawa ko. Pinalo ko ang kamay niya. Kulit kasi!

"Sumandok kana ng ulam then binalik mo pa don't you kadirian! Food yan not poison, it's a gift of God." Galit na suway ko dito halos napa-taglish na ako. Ay ewan!

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon