Mr. Stranger 36:

599 25 0
                                    

ANDREW SY POV:)

Pagkalabas ko ng kotse ay agad na naglakad na ako papasok. Sinalubong naman ako ng assistant ko at sumabay na rin ito sa paglalakad.

"Gusto kayo makausap ni Mr. Chua." Mahinang sabi nito.

"Bakit raw?" Bahagyang napatingin dito na tanong ko. Nakapasok na kami ng Uphone building.

"Tungkol sa pagpapalitan ng produkto natin." Mahinang balita nito.

Tumigil naman ako sa paglalakad. Dahan-dahan ako humarap dito na may ngiting nakakaloko.

"Ilan ba gusto niya?"

"100 kilo kapalit ng $100,000." Seryosong sagot nito sabay ayos ng salamin nito.

"Okay. Ikaw na bahala kung ano oras siya bakante." Nakangiti pa ring sabi ko at nagsimula na maglakad.

"Sige po."

Nasa harap na kami ng elevator. Ang assistant ko na pumindot kung saan destinasyon kami pupunta. Nang bumukas ay pumasok na ako. Hinarangan naman ng assistant ko ang isang empleyado na papasok sana. Umiling ito dito na ibig sabihin ay bawal.

Nang makita ako nito, agad na yumuko ito at nagbow.

Pumasok na rin sa loob ang assistant ko at sumara na ang elevator.

"Ready na ba si Johnser?" Tanong ko dito maya-maya.

"Nakahanda na po siya."

THIRD PERSON POV:)

Bumaba na ng kotse si Ros. Di maiwasan mapangiti si Ros habang nakatingin sa mataas na building ng Uphone. Sobrang saya si Ros dahil makikita na naman niya si Lady Beth.

"Let's go." Sabi ni Mr. Kailes halos napatingin Siya dito.

"Can I not come with you??" Mahinanong sabi niya dito.

"Sure." Nakangiting payag ni Mr. Kailes."Hintayin mo nalang kami dito." Sabi pa nito sa kanya bago umalis.

"Thank you." Pasalamat niya sabay bow-bow.

Pumasok na nga sila sa building habang kasama ang assistant nito pati na ang limang bodyguard. Siya namay ay nakangiti na dumaan sa ibang pintuan papasok rin sa office.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Elizabeth, nabalitaan mo ba?" Si Rose iyon.

Abala ako sa paglagay ng ibang gamit ko sa locker. Breaktime namin ngayon at balak namin ni Rose kumain ng street foods sa labas.

"Ang alin?" Tanong ko sabay pasok ng damit kong pang-trabaho sa locker. Nagpalit lang ako ng damit pero yung pang-ibaba ko, hindi.

"Malalaman na raw sino magiging tagapagmana ng Uphone." Chismis nito sa akin.

Natigilan naman ako. Naisip ko kaagad si Sir Johnser. Sana magtagumpay siya na mapapayag yung negosyanteng mayaman. Nakita ko naman na grabe ang pagsisikap niya at alam kong mahal na mahal niya ang Uphone. Sana siya ang maging tagapagmana.

Nakangiting bumaling ako sa kanya.

"Oo nga." Sagot ko rito."Tara na! Labas na tayo!" Yaya ko na dito.

Lumabas na nga kami ng locker room.

JOHNSER SY POV:)

Inayos ko ang coat ng damit ko. Nasa tapat na ko ng pintuan ng meeting room at ramdam ko ang kaba ng oras iyon. Di ko mapigilang mapalunok ng laway pero nilalakasan ko ang loob ko. Tiwala lang sa sarili ang baon ko ngayon.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon