Mr. Stranger 10:

1.6K 45 1
                                    

Pagpapatuloy...

JOHNSER SY POV:)

"Lola, pahinga muna kayo. Baka ano mangyari sainyo." Sabi ko habang nasa terrace ito at nakaupo sa isang upuan yakap-yakap ang litrato ng kapatid ko.

"Iwan nyo muna ako. Gusto ko muna mapag-isa." Naiiyak na sabi nito sa amin.

Kakatapos lang kasi kani-kanina ang libing ng kapatid ko. Kaunti lang ang mga dumalo at dahil private ang libing ng kapatid ko at walang mga reporter na nakapaikot sa amin.

Pagkakataon ko na ito para pumalit sa pwesto ni Clive sa puso ni Lola pero wala. Parang ayaw pa rin niya ako. Pinagtatabuyan pa rin ako ni Lola.

"Lola, pahinga muna kayo. Wala pa kayong tulog---" di ko natuloy ang sasabihin ko nang tinawag ni Lola ang tagapag-alaga ng kapatid ko.

"Diego." Tawag nito.

Lumapit naman si Diego. "Yes, Madam?"

"Paki-alis dito si Johnser. Ayaw ko ng maingay dito." Utos ni Lola dito.

Nakaramdam na naman ako ng sakit tulad ng nararamdaman ko dati. Lagi niya akong pinagtatabuyan at si Clive lang ang paborito niya saming dalawa. Kahit ni isa, di man lang niya ako niyakap o pinasalubungan ng kung ano-ano nung bata pa ako. Puro lahat kay Clive ang atensyon niya.

Minsan tinatanong ko rin sa sarili ko kung pamilya ba nila ako o hangin lang ba akong palutang-lutang sa bahay.

"Sir Johnser, tara po. Pasensya na at ayaw po ng Lola nyo na nandito kayo." Mahinang sabi sakin ni Diego.

Wala akong magawa kaya nakasimangot na tumalikod na ako para umalis sa lugar na iyon habang sinasamahan ako paalis sa terrace ni Diego.

Wala akong masabi kundi...

"Balang araw, kailangan mo rin ako." sa loob-loob ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pauwi na ako ngayon sa apartment habang panay isip pa rin ang nangyari kanina pati na rin sa nawawala si Ros. Dahil sa kanya nasira na naman araw ko. Kung di siya umalis-alis, di sana nangyari yung kanina.

Akalain mo yun, muntikan na ako mabangga dahil sa sobrang inis ko sa makulit na ingleshirong hilaw na iyon. Tapos yung nagmamay-ari pa ng sasakyan yung babaeng nakita ko sa Uphone yung parang pamilyar sakin. Saan ko nga ba siya nakita?

Hayyy! Buti nalang di pa ko natigok. Pag nabangga talaga ako at nawala na ako sa mundong ibabaw, naku! Mamamatay talaga akong virgin pa. Gusto ko pa makapagtapos ng pag-aaralan at makapaghanap ng magandang trabaho at saka makapag-asawa ng mayaman. Alam kong mangyayari ang makapagtapos at makahanap ako ng trabaho. Pero yung makapag-asawa ng mayaman? Imposible yun! Walang makakagusto sakin ng mayaman dahil sa panget at estado ko sa buhay. Siguro, kung pinanganak akong mayaman, mayaman rin mapapangasawa ko. Pero hindi. Di ko ka-level sila. Sa mga mahihirap lang ako.

Di pa ko nakakarating sa apartment ko bigla nalang narinig ko na naman ang nakakainis na boses ng lalaking iyon.

"Beth, saan ka galing? Hinintay kita. Miss na kita. Labyo!" Sabi ng lalaking kinaiinisan ko habang tumatambay ito sa may computer shop kasama tatlo niyang alipores.

"Ayiieee!" Kinikilig na sabi naman ng tatlo niyang kaibigan.

Huminto ako sa paglalakad at nakakatakot ang tingin na binalingan ko siya.

Sino pa ba siya? Ee di si Anthony. Ang siga at tambay dito. Adik na adik sa computer. Imbes magbasa siya ng libro, paglalaro ang inaatupag. Crush raw niya ako? We? Mag-aral muna siya para magkagusto ako sa kanya. Kaso wala, wala ata siyang pag-asa. Waley talaga!

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon