DYLAN LORENZO POV:)
Pagkaparada ko ng kotse sa gilid ng daan, mabilis na sumakay ang hinire kong investigator. Mabilis na tinuro niya ang isang apartment na medyo luma na. Puro sa gilid ay mga tambay na nag-iinuman, nagsisigarilyo at may mga kasamang mga babaeng bayaran. Nandito kami sa tondo kung saan dito nakatira ang pinapahanap ko.
"Diyan nakatira ngayon ang pinapahanap nyo." Sabi nito sa akin ng ituro ang lumang upahan.
"May kasama ba siya?" Baling ko dito habang nakahawak pa rin ako sa manibela.
"Mag-isa lang po siya. Kakamatay lang ng nanay niya, namatay sa stroke." Sagot nito.
"Anong number ng kwarto niya?" Tanong ko ulit nang tinatanggal ko ang seatbelt.
"Sa second floor, sa pinakadulo."
Pagkasabi nito ay bumaba ba ako ng kotse. Tinginan naman ang mga tao sa amin. Minsan na din ako nakapunta sa tondo at alam kong mga tao dito ay siga. Para hindi ako mapaaway ay hindi ako makikipag-eye contact sa kanila. Magkukunyari akong hindi sila nakikita at straight lang sa daan ang mata ko.
Pagkapasok sa apartment, nakakita naman ako ng isang lalaking nakasandig sa gilid habang nakapulupot ang kamay nito sa baywang ng babae, naghahalikan sila. Pagtaas ko palang ng hagdan, may nakasalubong akong dalawang babae at binugaan ako nito ng usok ng sigarilyo. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Di nagtagal ay nakarating na ako sa pinakadulo na kwarto. Nakita ko ang payong nito na nakasandig lamang sa gilid na sira-sira na. Nagsimula na ako kumatok at hinihintay na pagbuksan ako ng kapatid ni Tomas. Kumatok ulit ako pero sa pangatlong katok ay bumukas ang pinto ng kabila. Lumabas doon ang isang babae maraming kolorete ang mukha at halatang bayaran ding babae dahil sa suot nito at mga alahas na nakasabit sa katawan nito.
Di pa nito nasasarado ang pinto, gulat na gulat na makita ako nito halos napa-atras ito ng isang baitang at napahawak ng bahagya sa dibdib nito. Kilala kaya ako nito?
Bahagyang nagulat ako nang may lumabas na lalaki sa pintong pinaglabasan nito. Mabilis na hinawakan nito ang braso nito ng napakahigpit dahil kita niya na bahagyang nasasaktan ito.
"Wag kang uuwi na wala kang dalang pera. Malilintikan ka sakin." Pananakot sa babae, galit na pinandilatan ito ng mga mata sabay tinuro-turo pa ito.
"O-oo." Halatang takot na sagot nito.
Pawaksing binitawan ito ng lalaki at pumasok na sa loob. Halos kumalabog pa ang pinto dahil sa pagsara nito. Nahihiyang tumingin siya sa akin. Nang makitang nakatingin ako sa kanya at nasaksihan ko ang lahat, mabilis na tumalikod ito at tumakbo paalis.
Saka ko lang naalala ang babaeng iyon. Siya yung kasa-kasama ni Elizabeth na isang janitress din?
Nang maalala iyon ay napaangat ako ng ulo at mabiliw na tinawag nito.
"Sandali, kilala kita!" Tawag at pigil ko dito.
Napahinto naman ito sa pagtakbo. Mahigpit ang hawak sa maliit na bag nito na dahan-dahan na tumalikod ito at humarap sa akin. Nakayuko lamang ito at pilit kinukubli ang pagkahiya at takot.
Humakbang ako para lapitan ito. Nang makalapit ako sa kanya ay pinagmasdan ko muna ito. Sinisigurado ko na siya nga ang kaibigan ni Elizabeth.
"Ikaw yung kaibigan ni Elizabeth, di ba?" Tanong ko rito.
Dahan-dahan na iniangat nito ang ulo at bakas sa mukha nito ang pagkahiya nang tumingin ito sa akin.
Marahan na tumango siya bilang sagot sa akin.
*////
Nandito kami sa isang kainan, nagulat ako dahil sunod-sunod ang pagkakain niya ng pansit halos hindi niya iyon nginunguya. Kita ko sa kanya na sobrang gutom na gutom na siya at hindi pa pala siya kumakain ng tanghalian at pang-gabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...