Chapter 90:

389 11 6
                                    

JOHNSER SY POV:)

"Wag kayong mag-alala, tito. Ginagawan na naming paraan at nagpa-plano na kami paano mahuhuli ang spy." Nakangiting sabi ko dito.

"Sana mahuli n'yo kaagad. Nakakabahala na baka matagal na sila dito at matagal na may binaon sila ditong mga bomba." pahayag nito."Anyway, kunin ko pala yung binigay na document sayo ng papa mo. Tapos mo na ba?" Pag-iiba nito ng topic.

"Sure, kunin ko po."

Tumayo na ako sa pagkakaupo at dumeretsyo sa desk ko. Pagkarating doon, binuksan ko ang isa sa mga drawer doon. Natigilan na lamang ako nang makita ang DNA test result.

Nagda-dalawang isip ako kung sasabihin ko bang buhay si Clive o hindi. Pag malaman ng lahat na buhay si Clive, babalik ulit ako sa dati na walang-wala. Pag pinapatay ko ulit siya, ako ang magiging pagmana ng lahat ng kayamaman ng pamilya ko---walang kahati at walang kaagaw.

Ano gagawin ko?

Kinuha ko na nga ito at lumapit sa kinaroroonan nito.

"Salamat." Sabi nito pagkakuha sa akin ng dokumento. Tumayo na ito sa pagkakaupo."Sige, aalis na ako." paalam nito.

Nag-bow na lamang ako dito. Pagkalabas nito, bumalik ulit ako sa desk ko, tulala na napaupo sa swivel. Binuksan ko ulit ang drawer at tiningnan ulit ang DNA Result.

Iiling-iling na sinarado ko na lamang iyon at pinagpatuloy na lamang ang naudlot na ginagawa ko kanina.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Uwian na, salamat at makakapagpahinga na ako. Sobrang madami ang nilinisan ko ngayon dahil naglinis ako ng mga CR. Sobrang badtrip kanina si Aling Doya kasi puro nagsipasok yung iba ng opening e dapat closing yung iba. Dahil doon, kaunti lang na janitor at janetress ang naiwan dito. Opening dapat ako kaso napa-ot ako wala sa oras.

Hindi naman mapilit ni Aling Doya ang ibang tagalinis kasi may mga ugali. Kahit siya ang pinakamataas sa amin, sinusuway pa rin siya ng iba. Kaya ang bilis ng lapit kaagad sa akin si Aling Doya kasi alam niya di ko siya tatanggihan.

Nang nasa harapan na ako ng elevator, pumindot na ako. Di naman nagtagal, bumukas na rin iyon at nagulat pa ako nang makita kong nakasakay doon si Sir Andrew at si Sir Leandro, kasama nila ang mga assistant nila.

"G-good morning, sir." Nautal na bati ko sa kanila.

Nang tumama ang mata namin ni Sir Andrew, mabilis na napayuko ako. Nakita ko na naman ang malagkit niyang tingin. Nakataas-kilay pa siya habang nakatingin sa akin nang pumasok na ako sa loob.

Nasa pinakagilid ako naka-pwesto habang nasa gilid ko ang mga ito. Hindi ko magawang lumingin, nanatili lamang nakayuko ako. Pa-sekreto ko naman iniangat ang ulo ko at nakita ko sa repleksyon sa ding-ding ang mukha ni Sir Andrew. Kunot-noo pa rin itong nakatingin sa akin kahit nakatalikod ako dito.

Bakit kasi ang init ng dugo niya sa akin? May nagawa ba akong mali?

Sa sobrang kaba ko, kinuha ko mula sa bag ang mineral water na ni-refill ko kanina. Pagkabukas iyon, iinumin ko na sana nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman kaagad ang cellphone kahit hawak ko ang tubig. Sa sobrang taranta dahil hindi ko mahanap ang cellphone ko, nabuhusan ko ng tubig ang sapatos ni Sir Andrew.

"What the!" Galit na turan nito.

Nanlaki mata naman ako sa gulat nang makita ang katarantadahang ginawa ko sa mamahaling black shoes ni Sir.

"Sorry, Sir! H-hindi ko po sinasad---"

Nakatanggap na lamang ako ng malakas na sampal mula kay Sir Andrew. Sa lakas, nabitawan ko ang mineral na water na hawak ko at nagkalat iyon sa sahig ng elevator. Nagulat naman si Sir Leandro sa ginawa ng kasama niya.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon