Mr. Stranger 65:

474 17 0
                                    

ANDREW SY POV:)

"What do you think, Ma?" Baling ko rito nang na-explain ko sa kanya ang gusto kong baguhin.

Nandito kami sa rooftop ng hospital na pagmamay-ari namin. Ang gusto ni mama ay dugtungan pa ng building ang hospital. Dahil habang tumatagal at dumadagdag ang panahon, mas lalong dumarami ang pasyente araw-araw.

Tila wala sa mood na tumango lamang si mama sa akin habang nakatingin sa unahan.

Ramdam ko sa kanya na tila wala siya sa mood.

"Bakit, Ma? May problema ba?" Takang tanong ko dito.

Matagal itong hindi umimik pero di nagtagal humugot ito ng hininga bago magsalita.

"Hanggang ngayon ba nagtatanim ka pa rin sa amin ng galit at pagtatampo ng ama mo?" Natigilan naman ako sa sinabi nito."Naghahangad ka pa rin bang mapasayo ang kompanya?" Sabay baling samin niya na mas lalong kinatigil ko.

Matagal akong hindi nakasagot.

"Totoo, nagtatampo at nagagalit ako sainyo ni Papa. Ako ang panganay, ako ang kasama nyo sa pagpapalago ng kumpanya at binuhos ko lahat ng oras ko kahit ang binata ko noong panahon na iyon, pinagliban ko halos di na ko nakapag-asawa dahil akala ko ibibigay nyo sa akin ang kompanya." Madamdaming pahayag ko sa aking isipan. Gusto ko mang aabihin pero pinili ko nalang na huwag sabihin.

Nakatingin lamang ako ng deretsyo sa mata nito.

****

Bumukas na lamang ang pinto at iniluwa doon si Johnser. Nang makita niyang nakahiga sa higaan ang kanyang Lola, dali-dali naman ito lumapit dito.

Mabilis hinawakan nito ang kamay habang himbing na himbing na natutulog ang kanyang lola.

"Tito, anyari? Ano nangyari kay lola?" Alalang tanong nito sa akin.

Sasagot na sana ako nang si Eladia na ang sumagot, ang assistant ni mama.

"Inatake siya sa puso habang pinapaliwanag ni Sir Andrew ang plano nilang irerenovate ang hospital." Naiiyak na sagot nito.

Hindi ako umimik bagkus tahimik lamang ako na nakatingin sa kanila.

"Ano sabi ng doctor?!" Tanong pa rin ni Johnser dito.

"Wag kang mag-alala." Sulpot ko. Bumaling naman si Johnser sa amin."Okay lang naman ang lola mo. Magigising rin siya pero hindi alam kung bukas o kailan." Ako na ang sumagot.

Malungkot na bumaling ulit si Johnser sa lola niyang natutulog. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay sabay hinalikan nito likod ng palad nito.

"Sorry, Lola kung palagi akong nahuhuli." Malungkot na wika nito.

Nakaramdam naman ako ng kaunting konsensya nang makita ang kalungkutan ni Johnser.

Pumasok na lamang ang kapatid kong kakarating lang. Humihingal pa ito tila tumakbo ito papunta dito. Nalaman palang ata nito ang nangyari kay mama. Nang makita nitong nakahiga sa kama si mama, mabilis na lumapit ito.

"Okay na ba si mama?" Tanong kaagad nito kay Eladia.

"Wag kayong mag-alala, Sir Cedric. Maayos na po ang kalagayan ni Señora Valencia." Sagot nito sa kanya.

Nakaramdam naman ako ng galit nang makita ko ang kapatid ko na sobrang alala kay Mama. Siya ang dahilan bakit inatake si mama. Siya ang sinisisi ko sa nangyari ngayon.

Napansin ko nalang sa pintuan ang assistant ko. Palihim na lumabas ako ng kwarto at iniwan ang mga ito sa loon.

Palihim na kinausap ko ito nang mapansin sa paligid na walang kahina-hinala.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon