ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Nagtatawanan na lumabas na kami ng restaurant ni Sir halos pinagbuksan pa kami ng pinto na nagbabantay doon. Tumungo na nga kami sa kotse niya kung saan nakaparada. Pinagbuksan pa ako ni Sir Johnser ng pinto na nakaramdam naman ako ng pagkahiya.
"S-salamat, Sir." Pumasok na nga ako sa loob saka naman niya sinaro ulit ang pinto.
Pumaikot si Sir at sa kabilang pinto pumasok. Pagkapasok, nag-seatbelt naman ito. Ginaya ko rin ito. Salamat nalang nakita ko sa kanya na nag-seatbelt siya. Kung wala o di ko nakita, di ko maaalala ito.
"Ihahatid na kita sainyo." Sabi ni Sir at sususian na sana niya ang kotse nang magsalita kaagad ako.
"Sir, wag na po."
Takang napatingin naman ito sa akin."Bakit?"
"Nasa Uphone kasi mga gamit ko, di ko dala." Sagot ko. Saka usapan namin ni Ros, hihintayin niya ako pag-out dahil may pupuntahan rin kami.
"Okay." Payag rin ni Sir at in-start na nya ang engine. Pagka-andar ng sasakyan, nagsalita na lamang si Sir na dahilan nagkaroon kami ng panibagong topic."Masaya ka ba?" Tanong nito habang daan ang tingin nito. Kakalabas lang namin ng parking lot.
"O-opo." Nautal na sagot ko kaagad.
"Saang lugar gusto mo puntahan at di mo pa napupuntahan?" Tanong na lamang nito.
"Ewan, Sir." Sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana.
Kahit matagal na ko sa maynila, parang bago pa rin sa akin at nagagandahan pa rin ako sa naglalakihang mga building. Di ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa malaking parang TV sa may Mall. Ito yung kilala at sikat sa pilipinas, ang Mall Of Asia. Ewan ko basta alam ko Mall Of Asia ito o Arena. Basta! Bahala na! Yun na yun!
"Nakapag-resort kana?" Tanong na lamang ni Sir.
"Resort?" Sabay tingin dito."Yung may swimming pool?" Paninigurado ko. Baka ibang resort kasi tinutukoy ni Sir, nakakahiya naman. Laking probinsya ako kaysa kay Sir laking Maynila. Di alam niya sa mga sosyal, e kami?
"Oo." Sagot lamang nito at saan pa rin nakatingin.
"Di pa, Sir. Malayo ang resort sa lugar namin. Bundok at bukid kasi pero nakakapaglangoy naman kami. Sa ilog nga lang pero maganda lumangoy sa ilog. Parang swimming pool na rin yun." Nakangiting sagot ko.
Tumingin sa akin si Sir pero binalik naman niya ang tingin sa daan. Bahagyang may kumurting ngiti sa labi niya.
"Sa susunod, resort tayo." Turan na lamang nito.
"Po?" Gulat na sambit ko.
Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone ni Sir kaya dali-dali niya ito kinuha sa ibaba, sa gitna namin. May lagayan kasi doon ng parang mineral water saka cellphone.
Sinagot din naman nito ang tawag.
"Okay, Dad. Ako na bahala." Sabi nito sa kausap niya. Di naman nagtagal ang tawag, binaba na rin niya ang cellphone at binalik sa paglalagyan nito kanina."Yung sinabi ko kanina," turan na lamang ni Sir.
Napatingin naman ako dito.
"Promise. Magre-resort tayo."
Di makapagsalita, nakatingin lamang ako kay Sir Johnser.
Promise? Nag-promise si Sir na magre-resort kami? Seryoso siya?
****
Bumaba na ako sa kotse ni Sir. Nag-bow pa ko bago umalis ito para pumunta sa parking lot para doon iparada ang kotse niya. Dito na ako napababavmalapit sa Uphone Building. Ayaw ko pagchismisan kami ni Sir. Medyo mga chismosa pa naman ng nagtatrabaho doon.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...