Mr. Stranger 57:

512 19 1
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Kakatapos ko lang mag-meryenda sa labas. Nandito ako sa elevator, papunta sa floor kung saan ang room namin na mga janitor at janitress. May 10 minutes pa naman ako natitira, di pa ko mali-late.

Di pa sumasarado ang pinto ng elevator nang may pumasok sa loob. Nakita ko naman si Sir Dylan iyon. Nag-bow pa ko sa kanya nang magtama ang aming mga mata. Ngumiti lamang siya ng natural sa akin saka pumasok na rin sa loob. Pagkapasok niya saka naman sumara ang pinto at nagsimula nang umandar ito.

Tahimik lamang ako habang nakatingin sa taas at tinitingnan kung anong floor na kami. Tumigil na lamang ang elevator sa 20 floor. Bumukas ang pinto at bumuntad sa amin ang nakatayong si Sir Johnser.

Napakunot-noo ito nang nakatingin sa amin ni Sir Dylan. Mabilis naman ako bumati dito.

"G-good afternoon, Sir." Nautal na bawi ko dito at ngumiti ng matamis.

Ngumiti lamang siya sa akin at pumasok na rin sa loob. Pumagitna ito sa amin ni Sir Dylan. Bahagyang sinulyapan ko naman si Sir at napansin kong kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa unahan. Pansin kong masama ang timplada niya ngayon base sa ekspresyon sa mukha niya ngayon.

Ramdam ko ang kakaibang presensya sa loob. Wala akong naririnig na ingay kundi ang elevator lang. Seryoso lamang ang mga mukha ng dalawa at ako naman itong naiilang at naa-hotseat. Tumikhim na lamang ako.

Tumigil ang floor na naman sa 28 floor at may pumasok na mga employee doon. Siguro mga lima sila base sa pagkakabilang ko. Pagkapasok nila, saka sumara ulit ang elevator.

Nakita ko namang nagsesenyasan ang mga ito. Nakita ko yung isang babae na palihim na tinuturo nila si Sir Johnser at Sir Dylan. Siguro nagulat sila dahil nakasabay nila yung mga boss dito sa Uphone.

"Uy! Coreen! Di ka pa nagpipindot. Pindot mo kung saan tayong floor bababa." Sabi ng babaeng medyo baba at parang pabebe ang boses. Nakita ko naman ang ID nito. Pangalan niya ay Alesia.

"Wag mo titingnan. Baka mapansin nila tayo na alam natin sekreto nila." Mahinang suway ng babaeng parang tomboy sa mga kaibigan niya.

"Wag nyo kong isasali sa gulo nyo dyan." Sabi naman ng lalaking nasa gilid. Siya lang lalaki sa grupo nila.

Tumigil na lamang ang elevator sa floor na bababaan namin ni Sir Johnser at Sir Dylan.

Tumikhim naman si Sir Johnser at napatingin naman ang mga ito sa kanya.

Mabilis naman gumilid ang lima at binigyan ng daanan kami.

Unang lumabas si Sir Johnser, sunod si Sir Dylan at ako. Pagkalabas ko, narinig ko pa ang pag-uusap nila.

"Seryoso ka, bakla? Parang di naman totoo yung chinismis mo." Sabi ni Alesia dito.

Saka naman sumara ang elevator.

Sa kabilang direksyon dumaan si Sir Johnser at Sir Dylan. Ako naman ay sa kabilang direksyon dumaan. Papunta ako sa locker room namin para magpalit ng damit. Balik trabaho ulit ako.

JOHNSER SY POV:)

Pagkapasok ko sa office ko, mabilis na tumungo ako sa desk ko at umupo. Napapabuntong-hininga ako habang naaalala ang kanina sa elevator. Naabutan kong magkasama si Dylan at Elizabeth. Gusto kong malaman kung may relasyon ba sila o wala.

Dahil sa mga pinag-iisip ko, naisipan kong tawagan si Ramon sa telephono. Mabilis naman sinagot nito.

"Padala ako ng kape dito sa office ko." Sabi ko sabay baba ulit ng telepono.

Mabilis na kinuha ko ang nga folder na nakapatong sa lamesa at binuksan. Pepermahan ko na sana nang nawalan ng tinta ang ballpen na gamit ko. Mabilis naman binuksan ko ang drawer sa table ko para kumuha ng ibang ballpen. Pagbuksan ko naman, tumambad sa akin ang resume ni Elizabeth.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon