Chapter 122:

49 2 0
                                    

ANDREW SY POV:)

Nahinto na lamang ang mainit na tensyon sa pagitan ni Leandro at ng anak niya nang tumawa ako. Pumalakpak pa ako na para bang natuwa ako sa eksena nilang dalawa. Dahil sa ginawa ko, natigil ang mala-MMK nilang mga sagutan.

"Ang galing ninyong dalawa. Para lang akong nanonood ng drama," sabi ko halos naluha ako sa kakatawa."Hindi ko inaasahan na madadala ako sa drama ninyong dalawa. Ang galing!" sabay punas sa mata kong naluha.

Nanlilisik ang matang tumingin si Leandro sa akin samantala tumalikod naman si Elizabeth para ikubli ang nararamdaman. Pinunasan naman nito ang luhang rumaragasa sa kanyang mga mata.

Tumigil na sa kakatawa na sinalubong ko naman ng tingin ni Leandro. Maya-maya pa, sumilay sa labi ko ang ngiting nakakainsulto na dahilan mas lalo itong napikon.

"Hindi ko inaasahan na kakagat ka sa patibong ko, Leandro. Ikaw mismo ang umamin na anak mo siya," nakangiti kong pahayag.

"Hayop ka!" Galit na turan nito. Tangkang susugurin at susuntukin na sana niya ako na agad akong nakaiwas at sinipa ito, dahilan napasubsob ito sa sahig. Mabilis naman siyang pinagtulungan ng dalawa kong tauhan."Ano ba?! Bitawan n'yo ko!" pagpupumiglas nito.

Tinayo naman ito ng mga tauhan ko.

"Tama nga ang kutob. Kahit lumabas na negative sa DNA test, malakas pa rin ang pakiramdam ko na anak n'yo siya ni Cassandra," natatawang sabi ko."Siguro kagagawan mo lahat iyon? Pinalitan mo ang resulta sa DNA Test para hindi kita mabuking..."

Nagpupumiglas pa ring lumapit naman ako sa kinaroroonan niya. Nang makalapit, tumigil ako sa kanyang harapan. Nanlilisik ang mga matang ipinukol niya sa akin. Imbes matinag ako sa mga tinginan niyang iyon sapagkat ngumiti lamang ako ng nakakaloko na dahilan nainis si Leandro sa akin lalo.

Nagulat na lamang ako nang biglang untugin nito ang ulo niya sa aking mukha na dahilan napalayo ako dito habang sapo ang mukha ko.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Leandro na kahit ang anak nitong si Beth ay napahawak sa bibig nito at gulat na gulat sa ginawa nito halos napabuka ito ng bibig.

"Boss!" Sambit ng mga tauhan ko nang masaksihan ang ginawa nito.

"Hayop ka ah!" sabi ng dalawang nakahawak dito.

Sinuntok naman ito ng dalawa sa tiyan nito na dahilan napaluhod ito sa sahig at nanlilipit sa sakit.

Nang bumalik na ang kondisyon ng katawan ko, tiningnan ko naman ang palad kong nakasapo kanina sa bibig ko. Nakita ko namang may dugo iyon. Napuruhan nito ang bibig ko na dahilan nagkasugat ang labi ko, mabuti na lamang hindi ako natanggalan ng ngipin.

Dahil doon, namula naman ako sa galit. Imbes gumanti sa kanya, naisipan kong pagbuntungan ng galit ang anak niya. Mas doble ang sakit pag ang anak niya ang sasaktan at gagantihan ko sa ginawa niya sa akin.

Hawak ang kutsilyo na lumapit ako sa kinaroroonan ng anak niya.

"Ano gagawin mo?!" Takang tanong ni Leandro nang umalis ako at patungo ako sa kinaroroonan ng anak niya.

"Huwag siya, Tito! Huwag!" Rinig kong sigaw ni Clive at tatakbo na sana para iligtas ito na agad naman siyang nahawakan ng mga tauhan ko."No!"

"Hindi! Hindi! Bitawan n'yo ko!"

Nanlaki mata namang nakatingin sa akin si Elizabeth. Tatakbo na sana ito na agad namang hinawakan ng tauhan ko ang buhok nito.

Napasigaw naman ito sa sakit.

Sabunot ang ulo na pinaharap ito sa akin. Habang papalapit ako, mas lalong nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa kutsilyong hawak ko. Nang unti-unti na akong makalapit, agad na binwelo ko ang kamay ko at----

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon