ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Ang init!" Napahawak naman ako sa labi ko na dahilan napasol ako.
Nawala sa isip ko na mainit pala iyon kaya ito napala ko. Ang tanga ko talaga!
"Wait! Tingnan ko." Sabi agad ni Sir Johnser.
Mabilis na lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. Nagulat na lamang ako ng dumampi ang hinlalaki niya sa labi ko. Dahil doon, napatingin ako sa kanya. Pareho kami nakatingin sa isa't-isa at tila may weird na napansin ako sa sistema namin.
Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na nagulat ako. Ang mata ni Sir na nakatingin sa akin tila may kahulugan. Napaka-banayad na akala mo nakakita siya ng maganda na nagugustuhan niya.
Doon ko lang din nakita na kulay brownies rin ang mata niya tulad ng kay Ros.
Napatingin na lamang kami ni Sir Johnser sa pintuan nang bumukas iyon. Nasa mukha ko pa rin ang mga kamay niya na tila na-hipnotismo rin. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang may tao.
Natigilan pa ito habang nakatingin sa amin ni Sir Johnser halos umawang pa ang bibig dahil sa nakita. Nanatili lamang kami sa posisyon ni Sir at gulat pa rin nang makita ang nakakita sa amin.
"So-sorry." Nautal na sabi ng isang babae at mabilis sinarado ulit ang pinto.
Pagkaalis nito, dahan-dahan na bumaling kami ni Sir sa isa't-isa. Habang nakatingin pa rin sa isa't-isa doon rin namin na-realize ang lahat. Namumula ang pisngi sa kahihiyan, mabilis na tinulak ko kaagad siya palayo.
Dahil sa ginawa ko, natumba ang upuan na kinauupuan ni Sir kaya bumagsak ito sa ibaba.
"Ay! Sorry, Sir!" Tarantang sabi ko at mabilis na tinulungan si Sir makatayo.
Kaya ayaw ko ng mga ganito pag nagugulat ako e. Nakakasakit ako na di ko namamalayanan. Hayst!
ANTHONY DURAN POV:)
Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko kaagad si Mama na papasok palang ng kusina. Humihikab na sumunod na rin ako dito. Kakamot-kamot sa gilid ng tiyan ng makapasok ako sa kusina namin, nakita kong may nakahanda nang almusalan namin.
Kakagising ko lang ngayon. Naka-shorts lang ako at walanh suot na damit pang-itaas. Ganito naman ako pag nasa bahay ako.
"Magkape kana anak." Sweet na sweet na sabi ni mama.
Himala? Ang sweet ni Mama ngayon? Saka nakakapagtataka, napaka-sarap ng pagkain na niluto niya? Ano meron?
Humihikab na naupo na ako sa harap ng hapag-kainan. Kumuha ng basong mug pati kutsara na nasa lagayan nito para magtimpla. Naglagay na ko ng kape at asukal sa baso bago magsalin ng mainit na tubig roon na saka naman naupo si Mama sa upuan katabi ko.
Kakatapos lang maghugas si Mama na pinupunas sa apron nito ang basang kamay na lumapit ito sa akin.
"Anak, kamusta gising mo?" Napaka-lambing na tanong ni Mama. May matamis na ngiti na sumilay sa labi ni Mama.
Nakakapanibago si Mama. Ano meron?
"Ayos lang, Ma." Sagot ko pagkasalin ng kape sabay sara ng thermos."Bakit, Ma?" Tanong ko maya-maya nang hinahalo ko na ito.
"Ilan sinahod mo sa trabaho mo, anak?" Tanong ni Mama.
"Ano, uhm 2,500." Sagot ko pagkatapos hihalo ay nilagay ko lang sa gilid yung kutsarang ginamit ko.
Hihigop na sana ako nang kape nang natigilan ako sa sinabi ni Mama.
"Asan na? Di ba, unang sahod mo yun? Unang trabaho? Asan na?" Parang atat na sabi ni Mama halos dumilat-dilat pa ang mata na halatang excited sa sahod ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomansaSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...