Chapter 113:

363 13 9
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Pinapantasya mo ba ang kaguwapuhan ko?" Nakakaakit na sabi nito.

Nanlaki mata na lamang ako nang makitang lapit ng mukha niya sa akin halos naduling na ako.

"Lady Beth!"

Natigilan na lamang ako nang marinig mo ang boses ni Ros. Feeling ko, nagagalit si Ros dahil sobrang lapit ko sa ibang lalaki. Dali-dali ko naman tinulak si Sir Easton at matagumpay namang nakalayo ako dito.

"P-pasensya na, sir. Sorry po, sorry!" Tarantang hingi kong patawad at sunod-sunod ang pag-bow ang ginagawa ko.

"Ako lang gagawa nito sayo..."
"Sa akin ka lang..."
"Natatakot akong makita kang hawak ng iba..."

Napaluha ako nang maalala ko ang mga katagang sinabi ni Ros. Para siyang bumubulong sa tainga ko at feeling ko nasa tabi ko siya. Siguro nasasaktan siya ngayon dahil sa nasaksihan.

Sa pagtataka, tumayo sa pagkakaupo si sir Easton at alalang lumapit ito sa akin.

"Umiiyak ka ba? May nagawa ba akong mali?"

Nakayuko pa rin ako at panay sorry lamang ako. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko rin mapigilang mag-bow nanh bow kay sir. Feeling ko nagtaksil ako kay Ros at alam ko masakit iyon sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay mo."Okay ka lang---"

Gulat na lumayo kaagad ako palayo dito na dahilan di nito napatuloy ang sinabi.

"Pasensya na, sir. N-napuwing lang." Nauutal n pagsisinungaling ko at nagkunyari pang ginugusot ko ang mata ko."S-sir, gusto n'yo po bili nalang ako ng gamot n'yo sa ulo? Para po mawala na po ang sakit na nararamdaman n'yo." Prisinta ko. Sinabi ko lang naman ito para hindi na nito itanong pa kung umiiyak ako. Baka magtanong ulit siya, tuluyan na ko mapapaiyak.

"Huwag nalang. Tutal, magla-lunch break na, gusto mo ba sumabay kumain sa akin?" Nakangiting sabi nito.

"Ah?" Takang naituran ko na lamang.

"Oo nga pala, gusto ko ma-meet 'yong kaibigan ng boyfriend mo. Si kuya nagsabi sa akin na mababait sila at makukulit. Gusto ko din sila maka-close." Nakangiting wika nito.

"Ah? Eh..."

****

Tulala pa ring nakatingin ang lima kay sir Easton. Siguro, nagtataka pa rin sila dahil kamukhang-kamukha nito ang kaibigan nilang si Ros. Para talaga silang kambal, pareho-pareho. Mapa-side view, mapa-back view, Ros na Ros talaga. Kung pwede nga sana si Ros nalang siya at ang good news buhay siya pero hindi.

Saka nawala ang tingin nila kay sir Easton nang nilapag na ng mga waiter ang order namin---order pala ni sir. Wala pala kami ambag dito, gastos lahat niya ito.

"Wow! Ang sasarap naman!" Takam na takam na saad ni Anthony nang makita ang mga pagkain.

"Oo nga, nakaka-takam." Mahinang saad ni Jero.

"Kumain na kayo. Inorder ko lahat mga paborito n'yo." Nakangiting sabi ni sir.

"P-paborito?" Napatingin na lamang kaming lahat kay Pubg."Paano mo nalaman na paborito namin ito?" naghihinalang tanong nito.

Takang napatingin naman kaming lahat kay air Easton. Oo nga 'no? Paano niya nalaman ba paborito namin ito? Hindi naman namin siya nakakasama at ngayon lang namin siya nakasama kumain. Paano niya nalaman?

"A-ah? Iyon ba?" Tumawa ito ng bahagya bago magsalita ulit."S-sinabi sa akin ni Kuya," nakangiting sagot nito.

"N-ni Mr. Kailes?" Sabay saad ni Jake at Jero.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon