ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Beth, pa-help!" Tawag ni Miss Mandy sa akin.
"Sige." Sagot kong lumapit sa kinaroroonan.
Alas otso palang nagsimula na nga out reach program at dumagsa ngayon ang mga tao dito sa court. Pati ang mga malapit na barangay ay nagsidayuan rin dito para makapag-check up ng libre. Lahat kami ay busy sa araw na ito.
"Tulungan mo kaming i-check yung mga taong nabigyan na ng ayuda. Baka kasi may umulit, kawawa yung hindi mabibigyan." Sabi nito nang makalapit ako. Binigay naman niya sa akin ang makapal na coupon bond na naka-stapler."Andyan na lahat ng pangalan ng mga pamilya pati sa kabilang barangay, nandyan na rin. Ang gusto ni Mr. Kailes, mabigyan lahat ang tao." Aniya'y dagdag pa nito.
"Sige." Sagot ko.
Sinimulan ko na nga gawin ang trabaho ko. Ang ayuda lang naman ay isang sakong bigas at mga relief goods. Malaking tulong na ito sa isang pamilya para sa pang-araw-araw nila.
Maagang nandito na yung mga truck dala ang mga ayuda. Galing pa ito ng manila at mabuti ngang sakto ito dumating. Marami na ang tao ngayon dito at mukhang aabutan kami dito ng gabi.
Nakita ko naman si Ros, hinahabol ito ng mga bata. Tuwang-tuwa naman siyang makipaglaro sa mga dito. Hindi na ko magtataka bakit close niya kaagad ang mga ito. Friendly naman kasi siya at may pagka-isip bata rin kaya iyon kinagusto ko rin sa kanya.
Mabilis naman ito inakbayan ni Lemuel sabay ginusot ang buhok nito.
"Ouch! Wag mo kong sabunutan!" Maktol naman ni Ros dito at pilit inaalis ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang leeg.
"Ang kulit mo talagang hilaw ka. Isip-bata ka talaga! Halika nga dito, may tatrabahuin tayo." Hinila na nga ito ni Lemuel.
"Wait! Wait!"
Tuluyan na nga ito inakay ni Lemuel papunta sa kabilang tent.
Sisimulan ko na sana ang trabaho ko nang may matandang nasa harapan ko na tinatawag ako.
"Ineng?"
Napalingon naman ako.
Sumilay na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi nang makita ito.
"Hello, 'nay! Magandang umaga po. Ano kailangan n'yo po?" Magalang na tanong ko dito.
"Ineng, itatanong ko sana kung saan nagpapatuli dito. Ipapatuli ko lang sana ang apo ko," sabay turo sa apo nitong nasa likod niya na nag-eedad ng dose anyos. Nahihiya pa itong tumingin sa akin.
"Halika 'nay! Dadalhin ko po kayo doon." Nakangiti pa ring yaya ko sa kanila.
Sumunod na nga ito sa akin. Di naman nagtagal, nakarating na rin kami sa tent kung saan tinutuli ang mga lalaki.
"Dito po 'nay."
"Salamat, ineng." Pasalamat nito.
In-assist na nga ito ng mga volunteers. Pinapasok na sa loob ang lalaki at pinaupo naman si Lola sa upuan para hintayin na lamang matapos ang apo niya. Ako naman ay naglakad na para bumalik sa pinaggalingan ko kanina nang may tumawag sa aking pangalan.
"Elizabeth."
Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko si...
"Sir Johnser," sambit ko. Umayos ako sa pagkakatayo para humarap ito.
"Tubig. Baka nauuhaw kana," concern na sabi nito sabay lapat ng kamay na may hawak na mineral bottle.
Nakangiting tinanggap ko naman iyon."Thank you, Sir---"
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...