JOHNSER SY POV:)
Nakatanggap naman ako ng malakas na sampal mula kay papa. Napapikit na lamang ako sa sobrang sakin na natanggap halos nanatili lamang naka-side ang ulo ko.
Dahan-dahan kong hinarap ang mukha ko nang makatanggap ulit ako ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko and this time, muntikan na ako matumba dahil doon. Mabuti na lamang mabilis na tumindig ako ng tayo kaagad.
"Are you crazy, Johnser?! Umiibig ka sa ibang babae? Sa isang janitress?!!" Galit na galit na singhal nito.
Tahimik pa ring umayos ako ang upo at humarap dito. Kasalukuyang nasa office ko ngayon si Papa. Nang malaman niya ang kaguluhang nangyari kanina, pinuntahan ako kaagad nito.
"Nakakalimutan mo bang fiancé mo na ang anak ni Leandro?! Gusto mo bang masira ang pagkakaibigan namin dahil sa lintik na pagmamahal mo yan sa ibang babae?!" Patuloy nitong sermon.
"Dad, I'm sorry. Tama nga kayo, hindi ako karapat-dapat pumalit sa pwesto n'yo---"
"Sinong nagsabi na karapat-dapat kang pumalit sa pwesto ko?!" Salubong na salubong ang kilay na pahayag nito.
Napatingin naman ako sa sinabi nito. Tama nga, hindi pa buo ang tiwala niya sa akin. Kahit anong patunayan ko, hindi pa rin sila nagkakaroon ng tiwala sa kakayahan ko.
"Ayos-ayusin mo ang buhay mo, Johnser! Ayusin mo lahat ang ginawa mong gulo! Baka magdalawang isip akong sa iba ko nalang ipamana ang lahat na kayamanan ko." Tila nagbabanta na pahayag nito.
Naglakad na ito papuntang pinto. Bago paman lumabas, tumigil ito sa paghakbang at may sinabi pa habang nanatili pa rin akong nakatayo at natulala na lamang.
"Sana ikaw nalang namatay at hindi si Clive."
Tuluyan naman lumabas ang mga luha sa aking mga mata sa sinabi ni papa.
Nang marinig kong sumara na ang pinto, saka naman ako napabagsak-balikat. Napahawak na lamang ako sa lamesa at hinang-hina na naupo sa upuan. Para akong pinatungan ng malalaking bagay sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Nang marinig ko ang huling tinuran ni Papa, parang pinagsasaksak ng maraming kutsilyo ang puso ko. Dahilan nahihirapan akong huminga. Pinipilit hindi humagulhol na hinawakan ko na lamang ang dibdib ko.
Nasasaktan ako... sobrang nasasaktan.
"Tama nga. Ako nalang sana ang namatay..." Sa loob-loob kong turan.
Mas lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Palihim na umiyak lamang ako dito sa loob ng office ko.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Good morning, ate Beth!" masiglang bati ni Pubg sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
Kakagising ko lang ngayon at late na rin akong nagising. Wala na kong babalikan na trabaho sa Uphone dahil sa kapalpakan na ginawa ko kahapon kaya ito ako ngayon, alas nuwebe na akong nagising.
"Good moring." Nakangiting bati ko pagkahikab."Si Ros?"
Bago sumagot, pinatay na nito ang T.V gamit ang remote."Maagang pumasok ng trabaho."
"Ah? Di ba, hindi pa siya magaling?" Gulat na saad ko.
Tumayo na ito sa pagkakaupo."Bago siya umalis, nagluto na siya ng almusal. Tara, ate! Kumain na tayo!" Yaya na nito at tumungo na ito sa kusina.
Naiwan akong napaisip at napahugot ng hininga. Dati, ako gumagawa iyon. Kahit hindi pa okay, pumapasok pa rin ako ng trabaho. Ngayon, siya na gumagawa iyon ngayon.
Napabuga na lamang ako ng hangin.
DYLAN LORENZO POV:)
Nandito ako ngayon sa harap ng All Day Shop Company. Bumaba na ako sa sasakyan at saka ko naman nakita di kalayuan si Clive kasama si Mr. Kailes. Hinatid nito si Mr. Kailes sa sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...