ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pagkapasok ko sa loob ng kotse ni Sir, amoy ko kaagad ang mabangong amoy dito sa loob. Amoy yayamanin. Nakakatakot baka may masira ako dito dahil sa sobrang ganda ng loob ng kotse niya.
Isasara na sana ni Sir Johnser ang pinto nang may pumigil doon.
Pag-angat ko nang ulo, nakita ko na lamang may misteryosong kamay na nakahawak sa pinto ng kotse para pigilan sa pagsara nito. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang taong gumawa iyon.
Nakatingin ng seryoso si Ros kay Sir Johnser habang nakatingin naman ng seryoso si Sir dito. Kita ko sa kanilang dalawa ang kakaibang awra nila na parang may pinaglalaban sila.
Napansin ko ring may namumuong tensyon sa kanilang dalawa habang nakatingin sila ng deretsyo sa mga mata. Na akala mo'y may kuryente sa pagitan ng mata nila na naglalaban at ayaw magpatalo.
Gulat na gulat ako sa nasasaksihan ko ngayon.
"Sino nagsabing pwede mo siya isakay sa kotse mo?" Seryosong tanong ni Ros dito.
Mas lalo naman naningkit ang mga mata ni Ros dahil matagal ito hindi sumagot. Bagkus nakatingin lamang si Sir ng deretsyo dito.
Maya-maya pa may lumabas na nakakatakang ngiting sa labi ni Sir Johnser.
"Akala ko kasi hindi mo susunduin ang kapatid mo kaya ihahatid ko nalang sana siya sainyo." Sagot rin sa wakas ni Sir."Tutal nandito kana rin, ihahatid ko na kayo sainyo." Kalmado ang mukha na prisinta ni Sir.
Matagal na di umimik si Ros dahil pinag-iisipan pa nito ang alok ni Sir. Sa huli, pumayag rin siya. Kumibit-balikat siya sabay bitaw sa pagkakahawak sa pintuan.
Isasara sana ulit ni Sir ang pinto nang hawakan ulit iyon ni Ros para pigilan sa binabalak nito.
"Bakit?" Takang napatingin naman na tanong ni Sir Johnser dito.
Ngumiti lamang ng weird si Ros dito.
*****
"Wow! Napaka-ganda pala ng loob nito." Manghang turan ni Ros at tiningnan ang paligid ng loob ng kotse ni Sir Johnser.
Ano pa ba ang nangyari? Yung pwesto ko kanina sa front seat, si Ros na nakaupo. Heto naman ako sa back seat, mag-isa. Sa unahan sila ni Sir nakaupo. Ito gusto ni Ros, ayaw daw niya katabi ko si Sir sa upuan. Ang alam ni Sir, magkapatid kami kaya ganun nalang di pumayag si Ros pero hindi niya alam kaya ginawa yun ni Ros kasi nagseselos siya.
Kasalukuyang nasa byahe na kami at si Ros lamang ang madaldal dito sa loob. Ano pa ba magagawa ko, makulit naman talaga siya kahit saan siya magpunta.
"Itong kotse ay bagong luwas na model ng Shinara Ford noong 2020. Nagkakahalaga ito mahigit kumulang na three million." Paliwanag ni Ros.
Nanlaki mata naman ako sa nalamang presyo ng kotse ni Sir.
Three million? For real? Seryoso?
Shinara Ford, iyon yung sikat na brand ng mga kotse. Magaganda ang bawat nilalabas yun na kotse halos pinag-aagawan ng mga mamayamang negosyante. Balita ko nga magkaibigan yung papa ni Sir Johnser at may-ari ng Shinara Ford.
Napanood ko kasi kanina sa youtube kaya nalaman ko palang ngayon.
"Am I right?" Nakangiting pilyo sabay baling ni Ros kay Sir.
"Yeah." Sagot naman nito habang sa daan ang tingin nito.
Umayos ng upo si Ros sabay baling sa unahan habang ang kabilang siko nito ay nakapatong sa gilid ng bintana.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...