ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Lumabas na nga kami ni Sir Leandro ng prisinto. Nagtanong lang namin sa amin ang mga pulis tungkol sa babaeng namatay sa rooftop. Sinabi ko naman lahat ang totoo at malinis ang konsensya ko na hindi ako pumatay o hindi ako kasabwat sa pagpatay sa babaeng janitress.
Dahil kasama ako sa kasong ito dahil sa kuhang CCTV, ako ang huling nakakita sa babae. Kumbaga, putol ang CCTV ang footage na nakuha at ako ang huling nakasalubong ng babae. Kaya maraming pulis ang nakaka-interesado sa kasong ito dahil mukhang ang may gawa nito ay nagtatrabaho lamang sa Uphone. Tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng babae at ano ang pakay nito sa kompanya.
Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil rin sa paghakbang ni Sir Leandro. Humarap ito sa akin na agad naman akong nag-bow dito.
"Maraming salamat po, Sir!" Sabi ko kaagad sabay ngiti dito.
"Okay lang iyon."
"Tatanawin ko po ng utang na loob ang kabutihan n'yo sa akin," wika ko at yumuko ulit para ipakita ang malaking pag-respeto ko sa kanya."Maraming salamat po ulit."
Lumapit sa akin si Sir Leandro at tinaptap nito ang braso ko. Nang tumingin ako dito, bahagyang ngumiti ito ng natural. Napangiti na rin ako dito. Sobrang bait talaga ni Sir Leandro, ang sarap ata maging ama siya. Swerte ni Miss Mandya, may papa siyang may busilak na puso.
"Gusto mo, sabay na tayo mag-lunch?" Yaya ni Sir sabay tingin sa kanyang relo, alas onse na ng tanghali.
"S-si---" sasagot na sana ako nang tumunog na lamang ang cellphone ko.
Sinagot ko naman iyon."Hello?"
"Kanina pa 'kong tawag ng tawag eayo, bakit ngayon mo lang sinagot?" tinig ni Ros."Nandyan ka pa ba sa prisinto? Malapit na ako dyan, wag kang aalis." Sabi nito.
"Sige." Saka ko na binaba ko na nga ang tawag.
"Boyfriend mo?" Tanong ni Sir Leandro sa akin.
"O-opo." Nahihiyang sagot ko at namula naman ang pisngi ko.
Bahagyang natawa naman si Sir Leandro nang makita ang pamumula ng mukha ko."Dalaga kana talaga, pwede kana mag-boyfriend. Syempre, kung ako ang ama mo, di kita papayagan mag-bf."
Natawa naman ako ng mahina.
"Guwapo ba yang boyfriend?" Tanong ni Sir.
Tumango ako."Mabait po saka maalaga."
"Siguraduhin mong di ka papaiyakin niyan, malilintikan siya sakin." Biro niya.
Natawa naman ako at ganoon rin si Sir Leandro halos ipakita pa niya ang kaliwang kamao niya.
"Huwag po kayong mag-alala, Sir. Kilala ko po siya at sigurado po akong hindi po niya iyon gagawin sakin." Nakangiting pahayag ko.
"Good. Mukhang hindi tayo sasabay mag-lunch, siguro saka ako aalis, hihintayin ko muna dumating ang boyfriend mo saka kita iiwan. Hindi na maganda ang panahon ngayon, delikado na pag mag-isa ka. Babae ka pa naman."
"Sige po, sir."
"Upo muna tayo habang habang hinihintay ang boyfriend mo." Sabay turo ni Sir sa bench.
Naupo naman kaming dalawa doon.
JOHNSER SY POV:)
"Ano?!" Bulalas ko sa gulat halos napatayo sa aking kinauupuan.
"Opo, totoo po narinig n'yo, Sir. Sinamahan po ni Sir Leandro si Elizabeth sa prisinto. Iyon sabi-sabi sa mga nakakita." Pagbibigay sa akin ng balita ni Ramon.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomantikSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...