Chapter 97:

341 14 0
                                    

ANTHONY DURAN POV:)

"Ros, di ba may meeting kayo?" Tanong ko dito habang sinusundan namin siya.

"Nagpaalam na ko kay Mr. Kailes na hindi na ako aattend ng meeting nila." Seryoso lamang na sagot nito. Sa daan lamang ang tingin nito.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din kaming lahat. Dahan-dahan siyang humarap sa isang junk shop. Nagkalat ang mga bote, bakal at plastic na naka-sako at naka-sako ring mga uling. Medyo kalumaan na din ang junk shop dahil siguro sa tambak na mga bakal, bote at plastic. Pati sa loob nagkalat din ang mga iyon, para tuloy tinitirahan ng isang eskwater kung titingnan.

"Ano gagawin natin dito, bro?" Sulpot ni Jero.

Napatingin kami lahat kay Ros, bakas pa rin sa mukha ni Ros ang pagka-seryoso habang nakatingin sa junk shop. Nakaramdam ako ng hinala na tila may kinalaman ang junk shop sa kanya at iyon ang aalamin ko.

"Dito ako unang nagising..." makahulugang wika niya.

"Unang nagising? Dito ka pinanganak, Ros?!" Bulalas ni John.

Umiling siya."Ito ang lugar na una akong nagising...nagising na wala nang maalala."

Nagulat naman kami lahat sa sinagot nito. Napakunot-noo naman ako, dahil doon hinawakan ko ang kaliwang balikat niya at pinaharap sa akin.

"Ibig sabihin may naalala kana?" Puno ng tensyon na tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita.

"Oo pero hindi ko pa nalalaman ang buong pagkatao ko," pahayag nito."Siguro, ito ang susi para malaman kung sino ako at saan ako nagmula." Sabay tingin ulit sa junk shop kaya napatingin na din kami sa tinitingnan nito.

Ito ba ang kwento niya sa amin noon? Nagising siyang na nasa ulingan siya. Walang katao-tao sa lugar na iyon pero nakita niyang may baseball bat sa tabi niya na hinala niya iyon ang pinukpok sa kanya. Pero hindi siya sigurado kung pinukpok nga siya gamit iyon.

Sino ba talaga siya at napaka-misteryo ng pagkatao niya? Posible kayang siya ang may-ari nitong junk shop? Pero napaka-laking imposible naman. Hindi halata sa mukha ni Ros na mahirap siya.

"Tara! Pumasok tayo." Seryosong sabi nito at nauna na itong pumasok sa loob.

Nagtinginan muna kami nila Jero. Walang magawa, napa-kibit balikat na lamang si John at Jake. Sumunod na nga kami kay Ros sa loob.

"Tao po! Tao po! May tao ba dito?" Tawag ni Jake.

Nangialam naman ng mga gamit si John na nandito sa loob ng junk shop. May kinuha pa siyang baseball bat na kinuha niya sa lagayan nito kasama ang iba't-ibang kulay na baseball bat. Nagkukunyaring naglalaro ito sa hangin gamit iyon.

Mabilis naman siyang kinurot ni Jero sa tagiliran kaya binalik kaagad niya iyon sa lagayan.

"Tao po! May tao ba dito?!" Tawag ko. Walang lumalabas, mukha tuloy walang katao-tao sa shop na ito. Baka wala ngayon ang may-ari nito pero kung wala dapat naglagay siya ng sign na close sila.

Pagkabalik ni John ng baseball bat sa lagayan nito, mabilis naman kinuha ulit iyon ni Ros at tiningnan. Tila natigilan ito nang may nakita sa bahagi ng baseball bat. Napakunot-noo pa ito na tila may inaalala.

Sa sobrang pagtataka, lumapit ako sa kinaroroonan nito.

"Bakit?" Tanong ko at tiningnan ang tinitingnan nito.

Nakita ko naman na may sticker na nakadikit sa baseball bat. Sticker iyon ng isang gagambang itim na pamilyar sa akin. Ito ang dahilan na nagpakunot ng noo ni Ros.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon