ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Kakatapos ko lang maghilamos nang pumasok na ako ng kwarto namin ni Ros. Naabutan ko siyang mahimbing nang natutulog. Ala una ng gabi at malamang pagod nga sya ngayong araw dahil sa paghanda niya ng sorpresa sa akin.
Dahil wala na kong balak istorbuhin siya, lumapit na ako sa kamang kinahihigaan niya. Pagkaupo ko ay agad na ring humiga ako habang naka-tagilid at nakatalikod sa kanya sabay yakap sa teddy bear na niregalo niya sa akin. Nalimutan ko ring lagyan ng unan sa pagitan namin dahil tinatamad na rin ako bumangon at inaantok na rin ako.
Di pa ko nakaka-pikit ng mga mata ko, nagulat na lamang akong naramdaman kong yumakap sa akin si Ros mula sa aking likuran halos natigilan ako sa ginawa niya. Mas siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Dama ko ang hininga niyang tumatama sa leeg ko.
"R-ros---"
"Sssh. Let's sleep. I'm tired." Mahinang sabi niya.
Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan ko na lamang na nakayakap sa akin. Sumilay na lamang ang ngiti sa aking mga labi dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"Ros?" Tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Thank you." Pasalamat ko. Alam kong ngumiti siya. Kilala ko si Ros, pag nagpapasalamat ako sa kanya, ngumingiti siya sa akin."Isang buwan palang tayo magkakilala pero parang matagal na kita nakasama. Sobrang bait mo sa akin. Sobrang maalaga at...sobrang sweet mo pa." Sabi ko habang yakap pa rin niya ako."Iyon ang dahilan kaya," Hindi ko alam kung sasabihin ko ba iyon."...nahuhulog na ako sayo." Amin ko.
Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Nababaliw ako pag di ko nasasabi ang nararamdaman ko. Um-okay na rin nararamdaman ko dahil sa wakas nasabi ko rin kay Ros ang totoo na nahuhulog na ako sa kanya.
"Araw-araw kitang sasaluhin, Lady Beth." Sabi ni Ros.
Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Oo nga pala." Sabi ko nang may maalala."Yung kwintas na niregalo mo sa akin, bakit alon yung design niya?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi iniisip. Nakikita ko kasi sa ibang kwintas, mga design, heart minsan star. Curious ako sa kwintas na parang alon sa dagat ang pinili niya. Baka may meaning ito.
"Naalala mo ba yung sinabi mo sa akin?"
**FLASHBACKS**
"Di ka pa nakakasakay ng kotse?" Tanong ni Ros sabay baling sa akin.
"Oo na pero di ko pa na-eexperience na nakasakay ako sa kotse at papunta sa beach para mamasyal. Nakikita ko kasi sa mga drama na ang ganda mag joyride pag nakikita mo yung dagat." Tuwang sabi ko.
"Do not worry. I will do that. I'll take you on a tour and we'll go to the beaches here in the philippines when I'm become rich." Nakangiting pangangako na turan ni Ros habang nakatingin sa amin ng seryoso.
"Really?"
Nakangiting tumango siya sa akin. "Yes, promise." Pangako niya sabay promise sign.
Nakangiting tinanggap ko naman iyon.
**END OF FLASHBACKS**
Nang maalala ko ang usapan namin iyon ni Ros, tumalikod ako sa pagkakahiga para magkaharap kami. Di pa rin makapaniwala na nakatingin lamang ako sa kanya.
Kaya ba ganitong kwintas binili niya sa akin?
"Kaya yan pinili ko dahil naalala ko ang sinabi mo sakin. Kahit yan parang nadala na rin kita sa beach. Wag kang mag-alala, itutupad ko ang gusto mo. Idadala kita sa beach at magjo-joyride tayo." Nakangiting pahayag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...