Mr. Stranger 6:

1.7K 53 0
                                    

Pagpapatuloy...

MANDY YU POV:)

Nang malaman ng chismosa squad na si Johnser na ang tagapagmana ng Uphone, dumiretsyo agad ako kay Daddy para itanong ang tungkol doon. Di ko alam kung bakit gusto ko itanong si Daddy tungkol dito. Siguro, ayaw ko lang makasal kay Johnser. Once na siya na ang nagmana ng Uphone, dahil may kasunduan sila Papa at Tito Cedric, ikakasal ako dito.

Masyado sakin matanda ng tatlong taon si Johnser kaysa kay Clive na kasing edad ko lang pero mas panganay siya sakin ng limang buwan. Kasi pinanganak ako ng November samantala si Clive, July. Pero nag-aalinlangan ako kung si Johnser na nga ba ang tagapagmana ng Uphone. Magpapakasal kaya ako sa kanya?

Nakita ko si Daddy, papunta sa meeting room kung saan doon sila nagme-meeting na mga mamayamang tao na part rin ng business.

"Daddy!" Tawag ko at tumakbo palapit dito.

Napatigil naman ito sa pagtangkang pagpasok. Humarap ito sakin at nagsipasok na yung iba sa loob.

"Ano? May meeting kami ngayon, di tayo pwede mag-usap ng matagal." Pagmamadali ni Daddy. Siya si Leandro Yu, ang papa ko at nagmamay-ari ng Sumex.

"Totoo ba? Si Johnser na ang magiging tagapagmana ng Uphone?" Tanong ko sa kanya.

"Pagme-meeting-an pa namin iyan. Maiwan muna kita, anak. Mamaya nalang." Paalam ni Daddy.

"Papa---" pipigilan ko pa sana siya pero pumasok na ito sa loob kasama ang assistant niyang lalaki.

Napaatras nalang ako nang makitang papasok ang panganay na anak ni Tito Cedric, kasama ang assistant nitong si Ramon pati na ang butler ni Clive na si Dylan.

Bago paman pumasok, tumingin pa si Johnser sa akin pero agad na pumasok na ito sa paloob. Doon na nga sumunod dito ang dalawa. Tiningnan pa nga ako nung butler bago pumasok.

Naiwan akong napasimangot na lamang.

JOHNSER SY POV:)

Pagkapasok ko sa loob, dali-dali tinungo ko kaagad ang kinauupuan ko. Di nagtagal nagsimula na rin ang meeting.

"Pasensya na kung pinatawag namin kayong lahat. Nandito ako para sabihin sainyo ang desisyon ko ngayon dahil patay na ang bunsong anak ko na papalit sana sa posisyon ko." Panimula ni Daddy.

"Condolence." Sabi ng mga taong nandito sa meeting.

Tumango-tango lang si Daddy sa mga dito. Pati ako sinasabihan din ng condolence. Para di mahalata na ako ang dahilan sa pagkamatay ng kapatid ko, nagkilos malungkot ako at nagkunyaring nasasaktan ako sa pagkawala ng kapatid ko.

"So? Sino na ang bagong tagapagmana ng Uphone?" Tanong ni Tito Andrew. Nandito rin siya at part rin siya ng kompanya ni Daddy dahil kapatid niya ito at hindi ito mawawala sa kompanya.

Nagsiingay naman sa loob. Di ko mapigilamg mapangiti dahil nararamdaman kong naayon na ang lahat sa akin. May ibang nagsasabi na ako na ang bagong tagapagmana ng Uphone. Ako nalang ang nag-iisang anak ni Papa na pwedeng pumalit sa bunsong anak niya. Ngayon, wala na yung sagabal sa buhay ko, mapapasaakin na rin ang pinapangarap kong makuha.

"Napag-usapan namin ni Leandro na ang bagong papalit sa akin si..." Panimula ni Papa.

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Daddy. Lahat hinihintay na nila ang susunod na sasabihin ni Daddy. Ako, di na mawala ang ngiti ko sa mga labi. Unti-unti nang nakukuha ko na ang pinapangarap kong makuha.

"...hindi muna ako aalis sa posisyon ko." Sagot rin sa wakas ni Daddy.

Nanlalaki mata na napatingin ako dito at nawala na lamang ang ngiti sa mga labi ko.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon