Pagpapatuloy...
DYLAN LORENZO POV:)
Nasa parking lot ako habang kausap ang isang tauhan ko.
"Bantayan mo lang siya. Wag mo siyang pababayaan." Sabi ko dito. "Sige. Balitaan mo nalang ako uli." Pagpapaalis ko na dito.
Yumuko lang ito at tinakpan ulit ang mukha niya ng itim na mask sabay suot rin ng sumbrerong itim at umalis na.
Palihim na pumasok na ako ng aking kotse. Na-check kong walang katao-tao sa parking lot at ako lang at tauhan ko. Nang masiguradong wala na, saka ako nag-seat beat.
Pinapabantayan ko sa tauhan ko si Clive. Nalaman kong may babaeng kumupkop dito at ngayon nalaman ko rin nawalan ito ng memorya. Okay na iyon para di siya mapahamak.
Hindi talaga siya namatay sa aksidenteng iyon dahil hindi ko kayang pumatay ng tao. Iniligtas ko siya sa kamay ni Johnser. Ngayon, ang alam ni Johnser na patay na si Clive pero ang totoo buhay pa siya. At ang taong namatay sa kotse, ay ibang tao.
Pinaandar ko na ang kotse para umalis sa lugar na iyon.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pumasok na ako ng building ng pinagtatrabahuan ko. Maraming tao ang nakakasalubungan ko, karaniwan mga nagtatrabaho dito.
Tumungo na ako agad sa elevator para pumunta na sa room namin ng mga janitor at jannitress. Panigurado, galit na yun si Aling Doya kasi late na'ko. Ngayon lang ako na-late ng ganito. Kainis kasi e! Umampon pa ko ng hilaw na ingleshero. Tsk.
Nasa tapat na ako ng elevator at pinindot na ang dapat pipindutin doon. Nasa 15 floor pa iyon kaya maghihintay pa ko bumaba ito.
Naalala ko nalang ang I.D ko, agad naman ako naghalungkat sa maliit na lumang backpack ko. Di pwedeng di suot ang I.D ng mga janitor at janitress tulad namin kasi baka mapagkamalan lang outsider dito. Lahat kasi ng empleyado dito puro naka-I.D.
Panay halungkat ko lang halos nilabas ko na ang ibang gamit na nasa loob ng bag ko. Kinabahan na ako dahil di ko mahanap ang I.D. Di ko napansin sa kakahalungkat ko, nahulog yung I.D ko sa sahig. May kumuha naman iyon ng isang misteryosong lalaki sa sahig.
"Miss, sayo 'to." Boses lalaki.
Napalingon naman ako dito. Nakita kong nasa kamay niya yung I.D ko. Salamat at nahanap ko na I.D ko. Pag hindi, patay ako nito!
"Salamat, Kuya." Pasalamat ko sabay kuha sa kamay niya.
Bumukas na nga ang elevator, pumasok na ako agad sa loob at di ko na pinansin ang lalaking nakakuha ng I.D ko. Nagmamadali na kasi ako, baka mas lalong ma-late ako kung i-eentertain ko pa ito.
Pumasok na rin ito kasama ang dalawang lalaki. Napataas-kilay ako nang makilala yung isang lalaki na kasama niya. Panay isip ako kung saan ko ba ito nakita.
"Saan ko ito nakita?" Mahinang sambit ko at inaalala.
**Flashbacks**
Maglilinis ako ngayon sa office ng anak ni Mr. Sy. Ako kasi naatasan ni Aling Doya maglinis ngayon doon.
Pagkarating na pagkarating ko sa office ng anak ni Mr. Sy, nakita ko nalang lumabas ng pinto ang isang lalaki. Bahagyang nakita kong may kaunting dugo ito sa gilid ng bibig nito. Nang makita ako dali-daling tinakpan niya iyon.
"Ikaw ba maglilinis ng office ni Sir Johnser?" Tanong nito sa akin habang tinatakpan ng kamay nito ang nakita kong sugat sa gilid ng labi nito.
"O-opo." Nautal kong sagot.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...