ANDREW SY POV:)
**Flashback**
Mabilis ko namang sinundan ang kapatid ko nang makitang paakyat ito ng hagdan.
Pagkarating nito sa dulo, pinigilan ko naman agad siya.
"Sandali!"
Mabilis kong nahablot ang kamay nito at pinaharap siya."Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Bakit nagsinungaling ka?" mahinang tanong ko dito.
Hindi siya sumagot bagkus umiwas lamang ito ng tingin na tila guilty ito sa ginawa nito. Maya-maya pa nagsalubong nalang ang kilay niya at padabog na tinanggal naman niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya.
Aalis na sana siya nang hinawakan ko ulit ang kamay nito para pigilan.
"Kinakausap pa kita, Cedric,"
"Ano ba?!!" Singhal nito sa akin sabay padabog na binawi ang kamay. Nagulat naman ako sa ginawa niya."Hindi sa lahat ng oras, ikaw palagi masusunod, Kuya! At hindi sa lahat ng oras, ikaw palagi ang bida dito, Kuya!"
Hindi ko naman inaasahan na makakapagsalita ng ganito ang kapatid ko.
Naninibago ako ngayon sa nangyayari. Hindi ko inaasahan na may ganitong ugali ang kapatid ko. Ngayon ko lang nasaksihan na may ganito siyang ugali. Pag-uugaling di kahaya-haya. Nalimutan niya ang rumespeto at gumalang sa nakakatanda sa kanya.
Ano nangyari sa kanya?
"Wala akong ginagawang masama sayo. Tinatanong lang kita kung bakit nagsinungaling ka at bakit mo inangkin ang bagay na hindi sa---" naputol naman ang sasabihin ko.
"Ano ba paki mo?!" Singhal nito.
Nanlaki lalo ang mata ko dahil sa tono ng pananalita nito pati na rin ang tingin nito sa akin. Kita ko sa kanyang mata na parang kinamumuhian niya ako. Para bang nakalimutan na niya na ang kaharap at kausap niya ang kanyang kadugong kapatid.
Nawala na ang maamong mukha nito pag kaharap at kausap ko siya palagi.
Walang magawa, napatigil na lamang ako. Maya-maya pa, ipinikit ko ang mga mata ko sabay napabuntong-hininga na lamang. Kinakalma ko nalang sarili ang sarili ko sa pamamagitan na iyon. Natatakot ako kung magpapadala ako ng emosyon, baka mas lalong magkalabuan kami ng kapatid ko. Dapat hindi ko sabayan ang pagka-badtrip niya.
Pagkatapos, idinilat ko na ang mga mata ko. Kalmadong tinitigan ko siya. Gusto ko ipakita at iparamdam sa kanya na kuya niya ako at---
"Mas magaling ako sa'yo, Kuya..." makahulugang pahayag nito.
Bahagyang napakunot-noo ako sa sinabi niya. Kung kanina'y galit at irita siya. Ngayon, nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. Nag-iba ang ihip ng hangin ngayon sa kanya, para bang may bumabalot na itim na enerhiya sa kanya.
"Tanggapin mo nalang na ako na ang bida at mas magaling na ako sayo ngayon..." sarkastikong dagdag nito.
Salubong ang tingin dito na natahimik naman ako.
Tumalikod na ito at umalis.
Hindi pa siya nakaka-apat na hakbang, may sinabi pa ako na dahilan napatigil ito.
"Pinaniwala mo man ang lahat sa'yong kasinungalungan, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Tandaan mo, nasa paligid lang ang karma..." seryoso kong turan.
Malungkot na tumalikod ako at para umalis. Sapat na siguro ang mga sinabi ko para magising sa panaginip ang kapatid ko. Masyado siyang nasobrahan sa ambisyon. Hindi ko alam na masyado siyang na-pressure dahil sa mga taong sa paligid namin. Sa mga taong mababa ang tingin sa kanya at sa mga taong pinagkukumpara kaming dalawa. Iba talaga nagagawa ng mga masasakit na salita. Binabago nito ang ugali ng isang tao. Hindi ko rin masisisi ang kapatid mo.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomantiekSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...