THIRD PERSON POV:)
Halos magli-limang oras na naghihintay si Ros sa labas ng Uphone Building. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone at nakita niyang pasado nang alas 10 ng gabi. Sumulyap ulit siya sa entrance na unti nalang ang mga lumalabas na mga empleyado. Nagtataka na siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas si Elizabeth.
Sa sobrang pag-alala ay ti-next na niya ito.
Message:
Where are you?
Nag-out kana ba?
Nandito ako sa labas, sinusundo kita.Sunod-sunod na text niya dito.
Tumingin ulit siya sa entrance at wala pa rin siyang nakikitang palabas na taong hinayantay niya.
Di pa rin makatiis si Ros ay tinawag na niya ito pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tinawagan niya ulit nang may lumapit na lamang sa kanya.
"Sir Clive?" Tila gulat na sambit nito.
Sa pagtataka, nilingon niya ito. Nakatingin ito sa kanya na tila gulat na makita siya. Inaalala niya kung kilala ba niya ito.
Nang hindi pa rin sinasagot ang tawag sa kanya ni Elizabeth ay sinulyapan niya ulit ito.
"Ah?" Takang turan niya."May hinahanap ka ba?" Tanong niya sa lalaking nasa 40+ na ang edad.
"H-hindi m-o ko---" nauutal na sabi nito.
Di napatuloy sasabihin nito nang may lumapit sa kanila. Napa-kubli naman ito.
"Di ba, ikaw yung ka-videocall ni Elizabeth?" Napalingon naman siya dito."Ros pangalan mo, di ba?" Paninigurado nito.
Naalala na lamang ni Ros ito. Ito ang kasama ni Elizabeth na isang jannitress din. Naalala pa niya na ang pangalan nito ay Rose.
"Yes, ako nga. Asan si Elizabeth?" Sagot at tanong niya dito.
"Di mo pa alam?! Dinala sa hospital, may nangyari kasi---"
"Ano?!!" Bulalas niya sa gulat."Saang hospital siya dinala?!" Tarantang tanong niya kaagad.
"Sa ***** Hospital---"
Binigay niya kaagad ang bulaklak na hawak niya at kumaripas ng takbo halos di na niya pinatuloy pa ang sasabihin nito.
Pagkarating sa kalsada, mabilis na pinara niya ang taxi at sumakay. Kinakabahan na sinabi na niya sa driver ang destinasyon na pupuntahan niya.
Ang nasa isip lang niya ngayon ay mapuntahan si Elizabeth.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Daan-daan iminulat ni Elizabeth ang mga mata. Medyo napapapikit siya sa liwanag na nakikita niya. Nang naging maayos na ang paningin, mabilis na ginala niya ang kanyang paningin.
Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. At hindi rin maalala niya kung ano nangyari sa kanya. Bumangon siya sa pagkakahiga na agad naman nakaramdam siya ng kirot sa kanyang noo at napahawak nito. Doon niya nalaman na naka-benda ang kanyang ulo.
Pagkapasok sa loob ni Sir Johnser agad na nilapitan siya nito ng makitang gising na siya.
"Pahinga ka muna. Baka mapano ka." Sabi nito at inalalayan ako nitong umupo.
"N-nasaan ako?" Tanong ko rito.
"Nasa hospital ka ngayon." Sagot ni Sir Johnser sa akin.
Doon ko naman naalala ang nangyari sa akin."Ah. Naalala ko na. Nadulas ako tapos nauntog ako sa lababo." Sabi ko."Wait!" Bulalas ko nang may maalala."Anong oras na?" Baling ko kaagad kay Sir Johnser.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...