Pagpapatuloy...
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Sir Dylan, may amnesia po kasi siya. Minsan po siya makaranas ng ganyan. Saka ngayon lang po siya nawalan ng malay." Alalang sabi ko dito nang pababa kami ng hagdan, sa fire exit kami dumaan.
Hindi ito sumagot. Bagkus mabibilis lamang ang hakbang niya pababa ng hagdan habang buhat si Ros.
"Sir Dylan, pasensya na po sa abala nyo. Baka po---"
"It's okay." Putol nito sa sinabi ko."Nasa parking lot na tayo." Sabi niya sa akin.
Binuksan ko nga ang pinto. Siya muna pinalabas ko bago ako sumunod sa kanya. Nagulat na lamang ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinila papunta sa may poste. Nagtaka naman ako sa ginawa nito.
"Sir, bakit---"
"Sshhh." Pagpapatahimik niya sa akin.
Tumahimik na lamang ako. Bakit kaya? May tinataguan ba kami?
ANDREW SY POV:)
"Sa next week na raw po ang meeting po kay Mr. Kailes." Sabi ng assistant ko nang papunta kami sa kotse kong naka-park dito sa parking lot.
"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko rito ng pagbuksan ako ng pinto.
"Huwag po kayong mag-alala. Ready na po ang mga bata nyo." Sagot nito.
"Good."
Sasakay na sana ako nang may mahagilap ang side kong paningin na tila may tao. Lumingon naman ako pero wala akong nakitang tao roon. Siguro guni-guni ko lang.
Nakapag-desisyon na pumasok na ako sa loob. Pumasok na rin sa kabilang pinto ang assistant ko para siya ang magmaneho. Umalis kami para imeet ang isang kaibigan ko.
DYLAN LORENZO POV:)
Nang marinig na umalis ang kotse ni Sir Andrew, palihim na sumilip ako. Nang makitang nakaalis na ito, saka kami lumabas sa kinatataguan namin.
"Sir Dylan, bakit po?" Takang tanong ni Elizabeth sa akin.
"Wala. Tara na." Sabi ko.
Sumunod na nga ito sa akin.
MANDY YU POV:)
Imbes dumeretsyo ako sa bahay, naisipan kong tumungo sa tinutuluyan ni Ros. Naalala ko kasi yung pakiusap niya sa akin isang araw.
**FLASHBACKS**
Pagkatapos ko mag-salon, dumeretsyo kami sa store para mag-shopping. Abala ako sa pagpipili ng damit nang magsalita ako. Abala siya sa pagpipili ng mga damit pambabae.
"Ilan taon kana?" Panimula kong topic.
"I don't know." Sagot lamang niya sa akin.
Oo nga pala! May amnesia siya.
Nang makakita ng damit, pinakita ko sa kanya ito."Maganda ba?"
"So cheap!" Naka-pout na sagot kaagad niya.
Napakagat naman ako ng labi. Nakabusangot na naghanap ulit ako ng damit. Nang makakuha pinakita ko kaagad ito sa kanya.
"How about this?"
"Ugly." Sagot pa rin niya.
Napabuga naman ako ng hangin sa sinabi nito. Bakit ba kasi ang panget ko mamili ng damit. Sa totoo lang, si Mommy lahat bumibili ng mga damit ko. Pag ako kasi, ang cheap ko talaga pumili ng damit. Bakit ganun? Ang fashionista ko pero waley ako sa taste ng mga damit.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...