Chapter 91:

315 11 4
                                    

ANDREW SY POV:)

"Anong ginagawa mo dito?" Lakas loob na tanong ng kapatid ko pagkapasok sa loob.

Matalim namang nakatingin ito sa akin habang napatayo sa kinauupuan nang makita ako.

"Bakit? Hindi ko ba pwede dalawin ang nagluwal sa akin?" Lakas loob ko ring sagot ko.

Hindi naman nakasagot si Cedric sa akin bagkus matalim pa rin ang tingin na nakatingin ito sa akin. Hindi nagpatalo, nakipagtitigan rin ako dito.

"G-gising na si Doña Valencia!" Turan na lamang ng tagapang-alaga ni mama.

Mabilis naman napunta ang atensyon naming lahat dito.

"Ma, are you alright? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" Sunod-sunod na tanong kaagad ng kapatid ko dito.

Nanatili lamang sa kisame ang tingin ni mama na tila wala siyang narinig.

"Tawagan n'yo si dok! Bilis!" Alalang utos kaagad nito.

Mabilis naman tumakbo palabas ng kwarto ang tagapang-alaga ni mama para tumawag ng doctor. Di naman nagtagal dumating kaagad ang hinihintay namin at doon sa amin pinaliwanag kung bakit ganoon ang nangyayari ngayon kay mama.

"Huwag kayong mag-alala. Babalik din sa dati si Ma'am Valencia." Nakangiting sabi ng doctor.

"Maraming salamat, Doc." Pasalamat ni Cedric dito.

Nakarinig na lamang ako ng tunog ng cellphone at nakita ko naman sa assistant ko iyon galing. Lumabas ito ng kwarto para sagutin ang tawag na natanggap nito. Di naman nagtagal, pumasok ulit ito at tinawag ako.

"Sir Andrew, may gusto kumausap sayo." Mahinang sabi nito.

Bahagyang natigilan si mama nang marinig ang sinabi ng assistant ko. Nanlalaki mata na tumingin ito sa gawi ko, nang makita ko doon nagsilabas ang mga luha sa mata nito. Na-alarma na lamang ang lahat na makitang nanginginig na ito na parang inaatake.

"Doc! Doc! Ano nangyayari kay mama?!" Tarantang turan ni Cedric.

Mabilis naman ito nilapit ng doctor at chineck ang nangyayari dito.

Palihim na lumabas na ako sa loob at hinayaan na lamang sila na nagkakagulo sa loob.

Pagkalabas ko, natigilan ako sa ginagagalawan ko. Malalim ang tingin na inalala ang panahon na nakausap ko si mama bago siya inatake sa puso.

***Flashbacks***

"Hanggang ngayon ba nagtatanim ka pa rin sa amin ng galit at pagtatampo ng ama mo?" Natigilan naman ako sa sinabi nito."Naghahangad ka pa rin bang mapasayo ang kompanya?" Sabay baling niya sa akin na mas lalong kinatigil ko.

Matagal akong hindi nakasagot. Ramdam ko ang sa aking dibdib ang pagtatampo at galit sa kanila. Nagawa ko na lamang ay naikuyom ko ang mga palad ko at doon ko nalang binuhos ang nararamdaman ko.

"Anak?" Hinawakan nito ang braso ko na dahilan napatingin ako dito."Kung may pagkukulang man ako, patawarin mo ako. Alam kong hindi ako naging mabuting ina sainyo ni Cedric. Alam kong may pagkukulang ako bilang ina sainyo." Madamdaming pahayag nito.

"Pagkukulang? Sa aming dalawa?" Napangisi ako bahagya."Sa akin ka lang may pagkukulang, ma. Lahat ng atensyon mo ay puro kay Cedric, hindi ka nagkulang sa kanya." Di nakatiis na wika ko.

"A-ano..."

Di ko pinatuloy ang sasabihin nito."Totoo, ma. Totoo ang sinabi ni Cedric noon. Balak ko ngang patayin noon si papa." Pag-aamin ko.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon