Simula....
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Dala ang isang basket habang nangunguha ng mga talong na pwede nang pitasin. Kasama ko ang mga kasamahan ko rin na isang magsasaka na nangunguha ng mga tanim nilang iba't-ibang gulay.
Oo, isa kaming magsasaka. Nakatira kami sa bukid kung saan malayo sa syudad o manila, kung tawagin ay ang probinsya.
Masarap manirahan dito. Malinis ang hangin, tahimik at lahat ng mga tao dito ay kilala ko. Kaysa raw sa manila, ang ingay, ang gulo at puro may problema ang mga tao doon. Mabuti pa ko, masaya dito at kasama ko ang mama ko.
Lumaki akong walang amang nakilala. Sabi kasi ni Mama iniwan kami ni Papa dahil may asawa na pala ito. Mayaman dati raw si Mama kaso nawala ang lahat dahil sa madrastang asawa ng Papa ko. Ginawa nito ang lahat na pahirapan si Mama hanggang naghirap si Mama at nauwing tumira nalang sa probinsya para makalayo sa kanila.
Bago paman si Mama manirahan dito sa bukid, na-diskobre niyang buntis na siya at si Papa nga ang ama at ako ang bunga nilang dalawa. Kahit ganoon, di naman ako nagtanim ng galit sa papa ko. Kahit iniwan niya kami at pinagpalit sa iba, ama ko pa rin siya. Baliktarin man ang mundo, ama ko pa rin siya.
Pero nagpapasalamat ako dahil may naging mama akong napakabait at mapag-alaga. Mahal ko yan si Mama kahit palagi niya akong napagsasabihan. Pero busog naman ako sa pangangaral niya.
Nilagay ko na sa lumang track na medy ang mga pinitas kong mga talong na nasa malaking basket. Pagkalagay halos hingal na hingal pa ako sa bigat. Nilagay na rin ng mga kasamahan ko ang mga prutas at gulay sa truck. Idadala na ito sa manila.
"Mang Trino, ingat kayo sa byahe! Yung mga prutas at gulay natin, wag nyo pabayaan! Buhay ng pamilya natin nakasalalay diyan!" Sabi ko dito habang nakasakay na ito sa truck. Isang magsasaka rin ito tulad namin. Siya ang nagde-deliver sa Manila para ibenta iyon sa buyer namin.
"Oo, Mang Trino! Di bale, pag naubos lahat yan, papainom ulit ako!" Sabi naman ni Mang Josefino na kapwa-magsasaka rin. Medyo may katandaan na rin siya. Siguro ang edad nito ay nasa 40+ pataas na.
"Woah! Gusto namin yan!" Sabi naman ng mga magsasakang kasamahan namin.
"Wag kayong mag-alala mga kaibigan ko! Uuwi akong dala ang mga pera natin." Nakangiting sigaw ni Mang Trino habang nakasulyap lang sa amin halos lumabas pa ang ulo niya sa bintana.
"Sige! Ingat kayo!" Sabi ni Mang Josefino.
"Bye!" Paalam naming lahat dito kay Mang Trino.
Kumaway lang ito at umayos na ito ng upo. Umalis na nga ito dala ang mga tanim naming gulay at mga prutas. Nang malayo na si Mang Trino, saka na nagsibalikan sa kani-kanilang tahanan ang mga kasamahan ko.
Bago pa man ako magtuloy sa paglalakad para umuwi sa amin nang magsalita si Mang Josefino.
"Beth, salamat sa dinala mong ulam kagabi samin. Nagustuhan ng asawa ko ang Adobong talong na niluto mo." Nakangiting pasasalamat nito sakin.
"Sus! Okay lang iyon, Mang Josefino. Basta magiging ninang ako ng magiging anak nyo ni Aling Loreta." Sabi ko dito.
"Oo naman. Ikaw ang unang ninang namin ng anak namin ni Loreta. Papalikihin rin namin iyon kasing bait at sipag mo." Nakangiting pamumuri nito.
Buntis na kasi ang asawa niyang si Mang Loreta. Walong buwan nang buntis. Malapit na rin iyon manganak at magiging isa ako sa magiging ninang.
Tumawa naman ako."Sige po, uwi na ko samin. Baka po naghihintay na si Mama." Pamamaalam ko na dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...