Chapter 87:

296 12 8
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nang makatanggap ako ng tawag galing kay Mr. Kailes, tarantang bumyahe kaagad ako papunta sa company nito. Nalaman ko kasi na natagpuang walang malay si Ros sa elevator at doon ako kinabahan. Mukhang sumakit na naman ang ulo niya, dahil ata iyon sa nauntog ang ulo niya na dahilan nagkaroon siya ng amnesia.

Nang makarating ako sa Clinic, mabilis pumasok ako doon at naabutan kong nakahiga sa kama si Ros habang walang malay.

Napatayo sa kinauupuan si Mr. Kailes ng makita ako.

"Mabuti nakarating ka kaagad," sabi nito.

Nag-aalala na lumapit ako sa kinahihigaan ni Ros. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Hinawakan ko ang kamay nito at ramdam ko sa dibdib ko na sobra akong nag-aalala sa kanya.

"Maraming salamat po, Mr. Kailes." Pasalamat ko dito nang bumaling ako.

"It's ok," he said."Nakita siya ng isa sa mga employee ko. Nang nalaman ko nangyari sa kanya, pumunta kaagad ako dito." Paliwanag nito.

Nag-bow ako dito bilang pagkita ng paggalang. Bumaling ulit ako kay Ros na mahimbing pa ring natutulog. Hindi ko mapigilang umiyak, sobra akong nag-alala sa kanya. Gusto kong magising na siya at sabihin sa kanya na sobra akong natakot sa nangyari sa kanya.

"Walang oras, minu-minuto, ikaw palagi tina-topic niya sa akin." turan na lamang ni Mr. Kailes.

Napatingin naman ako dito, naupo ulit ito sa pinag-upuan nito kanina.

"Palagi niya kinukwento sa akin paano kayo nagkita at paano mo siya inampon. Dahil sa mga kwento niya, doon rin kita nakilala. Mabait ka, maawain, matulungin at napaka-sipag. Hindi lang iyon, independent woman ka. Hindi mo kailangan ang ibang tao para mabuhay ka dahil alam mo sa sarili mo na kaya mo kahit mag-isa ka," kwento nito na dahilan natigilan ako."Iyan ang dahilan bakit nagustuhan ka ni Ros."

Hindi ko alam ano magiging reaksyon ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon sa mga nalaman ko.

"Kung ako man ang magulang mo, si Ros na gusto kong magiging manugang ko." Dagdag pa ni Mr. Kailes.

Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Maiwan na kita. Tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka." Mahinahon na boses paalam nito. Tumayo na ito sa kinauupuan para umalis.

"Sige po."

Naglakad na ito patungo sa pintuan. Bago paman buksan nito ang pinto, may sinabi ako.

"Mr. Kailes, marami na maraming salamat po." Pasalamat ko sabay bow. Tumigil naman sa pagkakatayo si Mr. Kailes at humarap sa akin."Pangako po, susuklian namin ang kabutihan mo sa amin ni Ros. Hindi ka namin kakalimutan." madamdaming pahayag ko.

Napangiti naman siya."Alam kong may mararating ka." Makahulugang saad nito at saka na lumabas ng loob.

Pagkalabas nito, bumaling na ako kay Ros na himbing pa ring natutulog.

JOHNSER SY POV:)

Kinabahan ako sa balita. Akala ko si Elizabeth ang natagpuang patay sa rooftop, hindi pala. Mabilis kong hinanap si Elizabeth nang malaman ko iyon para kamustahin ang kalagayan niya pero sinabi naman ng mga kasamahan niya na umuwi ito dahil nagka-emergency.

Nandito kami ngayon sa rooftop para malaman ang inspeksyon ng mga pulis sa nangyari.

"Ano po balita?" Tanong ni Dylan sa pulis.

"Sir, ang kinamatay ng babae dahil sinakal ito. Sinakal po siya gamit ang lubid, nahanap namin kaagad ang ebidensya dahil hindi ito tinamin ng suspek." Paliwanag ng lalaki.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon