Mr. Stranger 26:

628 28 4
                                    

Pagpapatuloy...

THIRD PERSON POV:)

Hindi nakasunod agad si Ros kila Bossbrad dahil naharangan sya ng mga taong naglalakad. Nang maluwag na ang daan, dali-dali na syang tumawid na di tumitingin sa mga paparating na sasakyan.

Napahinto nalang sya sa isang bumisinang sasakyan. Sa sobrang pagkagulat ay nabangga siya nito halos tumilapon siya at napahiga sa kalsada. Tumama ang ulo niya ng napakalakas halos ramdam niya ang sakit sa pagkakabagok. Di siya makagalaw at di niya masyado maidilat ang kanyang mata. Tila bang may sumagi sa kanyang isip ng isang lugar na parang pamilyar sa kanya.

"What time is it?" He asked.

"It's 7 o'clock, don't you have a game?" Sabi nito sa kanya nang ginising siya nito sa pagkakahiga sa kama. Boses ng isang lalaki at medyo blur ang mukha.

Di niya sure kung sya nga iyong taong ginising o sya yung nagsasalita.

"Well, you woke me up." Sabi niya pagkabangon.

"You lack sleep because of your 1v1 last night with Rockstar28." Sagot nito. Sa binanggit nito parang isang Codename iyon na biglang tumatatak sa ulo nya at tila bang kilala nya ang codename na iyon pero di lang niya maalala.

Nakikita niyang nasa magandang bahay siya dahil sa mamahalinge mga kagamitan sa loob ng kwarto. Pati kama na King size at mga gadgets na nagkalat sa kwartong ito.

Nag-iba nalang bigla ang lugar. Parang nasa isang garden nalang siya. Nakaupo at pinagmamasdan ang isang tao na medyo blur pa rin ang nakikita niya. Dinidiligan nito ang mga magagandang bulaklak sa harden.

"Master, don't you plan to teach you how to cook? All your life, you just hang out in the bedroom and in the garden." Sabi ng boses palang nito medyo may katandaan na.

"Na! I'm lazy." Sabi niya at patuloy na binabasa ang dictionary na hawak niya.

"You're really lazy anytime." Sabi ng lalaki.

Nagbago na naman bigla ang lugar. Feeling niya alam niya kung saan ang lugar na ito. At nakakaramdam siya ng kakaiba.

"Welcome back!" Sabi ng mga taong blur ang mukha na tila bang sinundo siya.

"Wazzup, Brother. Long time no see." Sabi ng lalaki na kasing tangkad nya lang at halatang di naglalalayo ang edad nila. Pero isa rin na hindi niya makita ang mukha.

"Where's my lola?" Imbes na tanong niya.

"Let's go home right away, so you can see Grandma." Sabi nito at umalis na nga kami.

Si Ros ang nagmamaneho ng kotse nang biglang may sumasakal sa kanya mula sa kanyang likuran. Di na maayos pagmamaneho nya dahil nawawalan na siya ng hininga.

Bumulong ang isang lalaki na sumasakal sa kanya. Nakikita niya ito sa side mirror pero ang mata lang nito nakikita niya. Nakaitim na damit ito at naka-sombrero.

"Pasensya na, Boss. Nautusan lang." Sabi nito na medyo makapal ang boses.

Sa nasaksihan niya, may bumunggo nalang sa sinasakyan nila ng truck. Tumilapon at sumabog iyon.

Nagising nalang siya na nasa hospital na siya at sunod-sunod ang bawat paghingal niya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Hello?"

"Si Dylan 'to." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Sir Dylan, kayo pala!" Bulalas ko kaagad.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon