Mr. Stranger 20:

1.3K 57 7
                                    

Pagpapatuloy...

JOHNSER SY POV:)

Pumasok ng office ko si Ramon habang nasa bintana ako at nakatanaw sa labas. Nag-bow ito bilang pagkagalang.

"Papunta na po siya, Sir Johnser." Sabi nito.

"Sige."

Nag-bow ulit ito at lumabas ulit sa office ko. Tumungo na ako sa upuan ko para doon na hintayin ang Jannitress...

Si Elizabeth Villatorte.

DYLAN LORENZO POV:)

"Nakakasigurado akong sinadyang patayin ang alaga ko. Marunong magmaneho ng kotse si Clive. Hindi siya basta-basta maa-aksidente. Saka sira ang CCTV sa lugar na pinangyarihan. Paano ako makakasiguro na hindi iyon sinadya? Alam kong may matagal nang nag-plano patayin si Clive." Sabi ni Diego, ang tagapag-alaga ni Clive.

Nasa Rooftop kami ng Uphone building para mag-usap na dalawa.

Tiningnan ko si Kuya Diego na bahagyang nakatingin lang ito sa harapan. Pinag-aaralan ko at iniisip ko kung alam ba niya kung ano ang nakatago sa pagkatao ni Johnser.

"Kuya Diego, may alam ka ba?" Tanong ko dito.

Takang napatingin ito sakin pero agad bumaling ito sa unahan.

"Alam saan?" Tanong lang nito.

"Alam mo bang bakit ayaw ni Lola Valencia si Sir Johnser?" Tanong ko. Siguro alam niya iyon kaya siya na ang permanenteng tagapag-alaga ni Clive.

"Oo, alam ko." Sagot nito.

Nanlaki mata ako. So, marami pala nakakaalam ng sekreto ni...

"Kaya hindi paboritong anak ni Doña Valencia si Johnser dahil nung pitong gulang palang si Clive, tinulak sa bangin ni Johnser ang kapatid niya. Muntikan nang mamamatay si Clive sa kagagawan ni Johnser kaya mula noon doon na nagsimula ang lahat." Kwento nito.

Ang ibig sabihin hindi niya alam ang nalalaman ko? Hindi lang iyan ang dahilan dahil may mas dahilan pa bakit ayaw ni Lola Valencia si Johnser. Ang ibig sabihin, ako, si Papa, si Lola Valencia at si Tito Andrew lang nakakaalam ng katotohanan.

"Ganun? Ahh..." Sabi ko nalang.

Siguro hindi pwedeng sabihin kay Diego ang sekreto na ito. Baka ipagkalat niya ito at magkakaroon ng ingay sa media. Magiging number 1 topic nito ang kompanya ni Sir Cedric, maaaring bumagsak ito.

Natigil nalang ang pagmumuni ko nang magsalita si Diego.

"Alam mo bakit dinala sa US si Clive nung bata pa?" Panimulang topic nito. Nanatiling nakatanaw lang ito sa labas. Tumatama sa aming mga balat ang malamig na hangin.

Bahagyang napatingin naman ako dito.

"Dahil muntikan nang ma-ambush si Clive nung bata pa?" Pagsisigurado ko. Iyon kasi ang naririnig kong usapan kaya iyon na rin ang naiisip kong dahilan bakit doon na sa ibang bansa lumaki si Clive.

"Sa totoo, hindi ganun ang nangyari, Dylan. Hindi in-ambus ang sinasakyan noon ni Clive kasama ang nanay niya. Ang totoo, palihim dinala namin sa hospital si Clive dahil..." Bahagyang di tinuloy nito ang pagku-kwento.

"Dahil ano? Bakit nyo dinala si Clive noon sa hospital nang siya'y bata pa?" Atat na tanong ko.

"Nalason siya. Hindi. Nilason siya..." Pagtatama nito.

Dahil sa sinabi ni Diego, nanlaki mata ako habang nakatingin dito. Naka-cross arms na tiningnan niya ako na may seryosong ekspresyon.

"May nagtatangkang pumatay noon kay Clive. Di namin alam kung sino pero alam naming may traydor sa nakapalibot sa Pamilyang Sy. Mula nang binalita ni Sir Cedric na si Clive ang magmamana ng kompanya, doon lumabas ang pagtatangkang pagpatay kay Clive. Muntikan na itong ma-kidnap at patayin. Marami noon ang body guard na nakapalibot sa bahay. Akala ni Sir Cedric magiging ligtas na ang bunsong anak nila pero nagkakamali siya. May naglagay ng lason sa gatas nito. Palihim dinala namin sa hospital si Clive. Iyong binalita naman in-ambush, totoo rin iyon. Akala ng suspek nandodoon sa van si Clive pero si Ma'am Lourdes ang nandodoon. Nang mabalitaan ang nangyari sa asawa noon ni Sir Cedric, nakaligtas namang nakarating sa US si Clive. Dinala ka rin doon para ikaw ang tutulong at poprotekta kay Clive at doon rin nasawi ang mama ni Clive." Kwento niyo.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon