Pagpapatuloy...
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Hi, Sir." Bati ko.
"Hello." Bati rin nito at busy na busy ito nagsusulat sa folder.
Tiningnan ko ang paligid ng office niya at nakita kong wala namang kalat o dumi. Bakit niya pa ako pinapunta Dito kung wala naman lilinisin?
"Alin po dito ang lilinisan ko, Sir?" Takang tanong ko dito sa magalang na tono.
Tumigil ito sa ginagawa. Tumayo ito sa pagkakaupo at tiningnan niya ako.
"Come here." Makahulugang sabi nito.
Takang naglakad naman ako papalapit sa kinaroroonan niya. Nang nasa harapan na ako nito, tiningnan ko lang siya na may pagtataka sa mga mata.
"Sit here next to me." Dagdag pa nito nang maupo ulit ito na dahilan nagpagulat sa sistema ko.
Biglang bumilis nalang ang puso ko sa sinabi nito. Nakaramdam naman ako ng takot at taranta. Di ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Bakit kaya niya ko pinapaupo sa tabi niya? Baka may makakita samin? Paano kung may pumasok? Baka ano isipin ng makita sa amin? Paano kung pagkamalan akong mistress ni Sir?
Labag man sa kalooban, dahan-dahan na lumapit naman ako dito. Nahihiyang naupo naman ako sa isang upuan katabi niya. Ramdam ko yung kaba na sobrang nagpapalutang ng aking isipan. Di ko alam ano gagawin ko pero nasa isip ko nalang uupo lang naman ako. Wala naman ata siya ipapagawa o gagawin sa akin.
"Sa Saturday at Sunday, papa-day-off-in kita." Sabi nalang nito maya-maya nang magkaroon ng maikling katahimikan.
"Po?" Takang turan ko."Akala ko po, Sunday lang po day-off ko?" Takang tanong ko.
"Oo, pero ngayong saturday papa-day-off-pin. Pero every sunday talaga day-off mo." Paliwanag nito.
"Sir, di pwede. Kailangan ko po ng pera para sa----" Pinutol kaagad nito.
"Don't worry. I'll pay you as long as you take a day off on Saturday." Nakangiting sabi nito.
"Po?!" Bulalas ko halos nanlaki mata ako habang nakatingin dito."Seryoso ka, Sir?" Kung ganun, makakapagpahinga ako sa sabado pero may sahod pa rin ako. E di maganda.
Tiningnan ako nito. Kahit napaka-seryoso ng ekspresyon ng mukha niya, di nawawala ang kaguwapuhang tinataglay nito.
"Yes, but on one condition."
Kondisyon? Sinasabi na e. Baka may ipapagawa ito sakin. Pag di ko nagawa, patay ako. Ikakaltas ata niya yun sa sahod. Sige, i-goodtime mo pa ko Sir. Kainis ka!
"Ano po yun, Sir?" Tanong ko pa rin.
May kinuha ito sa gilid at nilagay niya iyon sa kanyang lamesa. Isang brown paper bag iyon na misteryosong may nilalaman iyon. Tinuturo niya iyon gamit ang mata niya. Takang kinuha ko naman at tiningnan ang loob nito.
"Ano po ito, Sir?" Tanong ko nang makita ang loob sabay baling sa kanya.
"Hmm, 8 PM sa ***** Restaurant. Suotin mo yan sa linggo. Sige, maiwan na kita. Linisan mo nalang dito kung may nakita kang alikabok." Mabilis na sabi nito at tumayo na ito sa pagkakaupo. Kinuha na nito ang coat at naglakad papuntang pintuan.
"Sir pero---" di ko na napatuloy pa ang sasabihin ko nang nakalabas na ito ng office.
Naiwan akong mag-isa dito na takang-taka pa rin. Tiningnan ko ulit ang loob ng paper bag. Di ko alam kung susulpot ba ako o hindi.
"Nagyayaya ba si Sir ng date?" Turan ko sa isip.
ANTHONY DURAN POV:)
"Ano bibilhin mo dito sa watson, Ros? Nakabili ka na ng cp, ano pa?" Takang tanong ni Jero dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...