ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Kanina pa kami kakahintay sayo sa food court. Kung hindi pa kami nagtanong kanina, baka hanggang ngayon naghihintay pa kami sayo." Wika ni Bossbrad.
"Hanggang ngayon di pa kami kumakain." Naka-pout na sabi ni Jero.
"Ako rin." Sabi rin ng dalawa sabay hawak sa tiyan nilang wala pang laman.
"Wag na kayo magtampo, ililibre ko kayo." Nakangiting turan ni Ros at bumangon na sa pagkakahiga.
Tuwang-tuwa naman ang tatlo halos nag-appear-an pa ito. Samantala si Anthony napailing-iling na lamang dito.
"Okay kana, Ros? Baka may masakit sayo?" Alalang tanong kaagad ni bossbrad dito nang mapansing balak ni Ros na umalis sa pagkakahiga sa kama.
"Baka hindi ka pa okay?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ang braso niya para alalayan.
Nakangiting matamis na bumaling ito sa akin. Sa ngayon, nakaupo na siya sa gilid ng kama na kinahihigaan niya kanina.
"Relax. Makita lang kita, okay na okay na ako." Pagkasabi niya'y kumindat siya sa akin sabay labas ng killer smile niya.
Kinilig naman ako sa ginawa niya. Mabilis ko naman nilagay ang palad ko sa mukha niya.
"Ungas!" Sabi ko na lamang sa kanya at hindi mawala sa labi ko ang kilig.
Tumawa lamang si Ros.
"Oh sya! Balik na rin ako sa Uphone baka hinahanap na ako ni Sir Johnser." Paalam ko sa kanila.
"Hayst! Naalala ko na naman ang bokbok na 'yon." Turan ni Ros sabay kamot sa ulo.
"Sige na, aalis na ako. Anthony, pakitingnan nalang si Ros baka mahimatay na naman siya at baka hindi na sa elevator 'to mawalan ng malay." Baling ko dito.
"Sure!" Nakangiting sagot naman sa akin nito.
"Kami na bahala kay Ros, Beth. Pag may umaaligid na babae dito, text ka namin kaagad. Lapitin kasi si Ros dito ng magagandang babae." Sulpot naman ni Jake.
Mabilis naman ito nakatanggap ng batok kila John at Jero.
"Baliw ka." Mahinang sabi ni Jero dito sa kaibigan.
"Baka nakakalimutan mo, ikaw bumubugaw kay Ros." Bulong naman ni John dito. Biglang umiba naman ang ekspresyon sa mukha nito ng bumaling ito."Sige, Beth. Mag-iingat ka." Nakaiting pilit sabi nito sa akin.
Nag-wave hand na nga ako sa kanila. Pagkabukas ko ng pinto, sakto naman na papasok din sa loob si Mr. Kailes.
"Aalis kana?" Tanong nito sa akin.
"Opo. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa boss ko baka pagalitan ako." Magalang na sagot ko.
"Mag-iingat ka."
Tumango ako."Salamat po, Mr. Kailes. Aalis na po ako."
Nakangiting tumango din ito bilang sagot.
Lumabas na nga ako ng clinic at naglakad na para umalis.
MR. KAILES POV:)
"Okay kana?" Tanong ko dito pagkaalis ni Elizabeth.
Tumango ito."Okay na okay na."
Bumaling ako sa mga kaibigan niya."May inorder akong pagkain. Mauna na kayo sa office. Susunod na lang kami ni Ros, may pag-uusapan lang kami."
"Sige po." Sabay sagot ng mga ito at lumabas na nga ito sa loob.
Lumabas na din ang assistant ko at kami na lamang natira sa loob ni Ros.
"May bumalik ba sa alaala mo?" Tanong ko dito nang lumapit ako sa kinaroroonan nito.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomansaSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...