ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Para po!" sabay sabi ni Anthony at PUBG.
Tumigil naman ang jeep at sabay-sabay na bumaba na kami.
"Nakarating din sa wakas!" Saad ni Jake pagkababa ng jeep at umunat-unat pa ito.
"Curious pa rin ako. Gusto ko talaga makita 'yong Sir Easton na 'yan." Wika na lamang ni Jero sabay kamot sa ulo.
"Kahit ako! Gusto ko makita kung talagang kamukhang-kamukha siya ni Ros." Sulpot ni John habang nagkukulangot.
"Tara na! Magmadali na tayo baka makita tayo ng mga lalakin gustong kumidnap kay PUBG!" Yaya kaagad ni Anthony at naglakad na ito.Sumunod na nga kami dito pero napatigil na lamang ako sa paglalakad nang mapatingin sa waiting shed. Naalala ko na lamang ang alaala namin noon ni Ros.
Flashbacks..
"Basa na tayo." Natatawang sabi ko sa kanya nang makasilong kami.
"Sorry dapat pala nagdala ako ng payong." Hinging-patawad niya.
"Okay lang. Di nga rin ako nakadala." Sabi ko sabay tawa."Gusto mo maligo?" Yaya ko sa kanya nang makaisip ng ideya.
"Maligo?" Takang saad niya.
"Sa ulan." Nakangiting matamis sabi ko sa kanya.
"Pero---"
Bago paman ipatuloy niya ang sasabihin ay mabilis na lumusong ako sa ulan. Nakangiting humarap ako sa kanya habang nababagsakan ako ng malalaking butil ng ulan.
"Tara! Maligo tayo!" Yaya ko sa kanya.
"Ayaw ko." Tanggi niya habang yakap ang sarili.
"Masarap kaya maligo sa ulan. Namnamin mo ang bawat patak ng ulan sayo, para ka lang bumalik sa pagkabata at alam kong mamimiss mo iyon." Sabi ko sa kanya."Tara na! Total, basa kana. Maligo na tayo!" Yaya ko pa rin sa kanya.
"Ikaw nalang." Tanggi pa rin niya.
"Bahala ka dyan." Sabi ko nalang at nagsimulang tumalon ako at hihiyaw na parang bata."Woah! Namiss ko 'to!"
Itinaas ko bahagya ang mga kamay ko at dinamdam ang mga bawat patak ng ulan sa akin sabay taas ng ulo at pumikit. Ninamnam ko ang malalamig na butil na dumadampi sa mga balay ko pati sa mukha ko. Habang nakapikit ako, nakikita ko noon ang sarili ko noong bata ako na nagpapaulan ako sa bukid kasama si Mama. Kahit mahirap kami noon, masaya kami ni Mama.
Pumaikot-ikot pa ako na tila nag-eenjoy ako. Kulang nalang nalanh humiga ako sa kalsada at panoorin ang ulan na nahuhulog sa ibaba galing sa taas. Dahil dito, nawala yung pagod ko sa trabaho. Feeling ko, wala akong problema dinadala ngayon.
Nakangiti lamang si Ros habang pinapanood ako.
End of flashbacks..
"Ate Beth?"
Napapikit-pikit na lamang ako nang makarinig ng boses na tumatawag sa akin. Napatingin naman ako sa unahan ko. Nakita ko namang inaantay na nila akong lima. Natulala ba ako ng matagal kanina?
"Ay! Heto na!"
Tumakbo na kaagad ako palapit sa kanila.
*****
Kumuha ako ng noodles sa kaldero. Nandito ngayon sa apartment namin si Aling Martha at Anthony, sabay-sabay kami ngayon kumain. At ito nga, nagluto si Aling Martha ng giniling na karne at dala pa niya yung kaldero niyang laman ay kanin. Ang ambag lang namin ni Pubg ay noodles na may halong hotdog.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...