Mr. Stranger 37:

614 23 0
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Sissy, pasensya na kung hindi tayo sabay mag-snack kanina. Nakipagkita kasi sakin yung boyfriend ko."  Sabi ni Rose sa akin habang nagbibihis na kami. Balik trabaho ulit kami.

"Okay lang 'yon. Ano ka ba?" Nakangiting sabi ko.

Sinara ko na nga ang locker pati si Rose. Lalabas na kami para magtrabaho na ulit. Mamayang alas sais pa ang out ko mamaya. Susunduin ako ni Ros at napag-usapan naming pupunta kami sa Mall para manood ng sine.

"Bye! Kita nalang tayo mamaya." Paalam ko.

"Bye!"

Naglakad na ako para tumungo sa office ni Sir Johnser.

MANDY YU POV:)

"Guys!"

Napalingon na lamang kami nang marinig ang tawag ni Coreen.

"Ang bilis mo naman mag-CR." Sabi ni Lanie nang makalapit ito. Papunta na kami sa Food court para mag-lunch.

"May narinig akong chismis sa CR!" Parang excited sabi nito.

"Ano? Ano?" Sabay turan nila Lanie, Jacksy at Alesia. Mga chismosa talaga, basta chismis di sila papaawat.

Nagtipon-tipon naman kami na tila mga sporty na nag-kurting circle kami.

"Si Sir Dylan." Nakangiting sabi nito.

"Ano kay Dylan?" Bulalas ko.

Napatingin naman ang mga ito sa akin.

"Ang lalaking napaka-elusive at walang taste sa babae, may kinahuhumalingan na siyang babae!" Chismis ni Coreen.

"Oh my god!" Bulalas ng mga ito.

Nanlalaking mata lamang ako sa narinig. Ako ba tinutukoy nito? Ako lang naman ang babaeng nilalapitan ni Dylan. Huwag mong sabihin...

"Sure ka sa sinasabi mo? Baka di yan totoo ah?" Di makapaniwala na sabi ni Lanie dito.

"Totoo nga. Base of what I heard, may nakakita kay Sir Dylan na may kahalikang babae dito." Patuloy na chismis nito.

Oh my god! Ako nga! Gosh! Letcheng Dylan na yan. Ikikiss nalang niya ako bakit di pa patago. May nakakita tuloy sa amin. Huhuhu!

Paano kung malaman ni Mama? Ni Papa? Patay ako nito! Kailangan ko mapangasawa si Johnser at dapat di masira iyon.

"Dito?" Sabay turan ni Jacksy at Alesia sanay turo sa iba.

"Oo, dito. Dito mismo sa Uphone building." Sabi pa rin ni Coreen.

Nagtinginan naman sila."Oh my god!"

"Sino raw?" Baling ni Lanie dito na mukhang excited na excited.

"Yun lang! Di nakita yung mukha ng babae."

"Ay!" Sabay turan nila.

Salamat naman. Muntikan na yun. Wiw!

"Chi-chismis ka nalang, kulang pa ang source mo." Natatawang sulpot ni Alfred.

"Tsk!" Tinarayan lang ni Coreen si Alfred. Nakangiting bumaling ulit siya sa amin."Di lang iyon, meron pa!" Dugtong pa nito sa chismis niya.

"Ano pa?!" Gulat na gulat bulalas ng mga ito. Ako naman ay nanlalaking mata na nakatingin dito. Kinakabahan tuloy ako. May nakakita pa kaya sa amin ni Dylan? Ano naman ginawa namin na pwede talaga ma-chismis kami?

"May babaeng nahimatay sa office ni Sir Dylan. Nag ala-superman si Sir! Binuhat niya yung girl at dinala sa hospital. Sa palagay ko, ang babaeng kahalikan niya noon ay ang babae ring iyon. Ang sweet 'no?" Kwento nito halos kiligin.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon