THIRD PERSON POV:)
"Salamat sa pagkain." Pasasalamat ni Rose kay Ryan pagkalabas nito sa apartment nito.
"Kung di ka pa kumakain, kumatok ka lang sa kwarto ko ah?" Nakangiting sabi niya dito.
Nakangiting matamis na tumango naman ito."Oo, basta libre mo ah? Joke!" Biro nito sabay tawa."Sige, alis na ko. May raket pa ko mamayang gabi." Paalam na ni Rose sa kanya.
Sasaraduhin na sana niya ang pinto ng bumalik ulit si Ros at hinawakan ang pinto para pigilan siya sa pagsara nito.
"Wait!"
Binuksan niya ulit ang pinto.
"Bakit?" Tanong niya.
"May naghahanap kasi sayo. Kilala ko siya, boss ko siya sa Uphone. Kilala niya si Tomas." Sabi nito na kinakunot ng noo niya.
"Kilala si Kuya Tomas?" Ulit ko."Baka may alam siya sa pagkawala ni Kuya?" Sa isip niyang turan.
"Oo. Gusto ka niya makausap, importante lang raw."
Tumango siya bilang pagpayag."Sige."
"Itext ko ngayon, sabihin ko magkita kayo mamaya. Nag-a-out kasi si Sir mga 8 o 10." Sabi nito.
"Sabihan mo nalang ako kung saan kami magkikita mamaya."
Marahan na tumango ito bilang sagot sa kanya. Umalis na ito na saka naman niya sinara ang pinto. Ilang sekundo siyang nakatayo sa pintuan at malalim ang iniisip.
Ang nasa isip niya ay makausap ang lalaking nakakakilala sa kuya niya. Baka ito ang susi para matagpuan niya ang kuya niyang isang buwan nang di umuuwi sa kanila.
ANDREW SY POV:)
"Ito ba yung pinapagawa ni Mama sa akin?" Tanong ko sa assistant ko pagkakuha sa kanya ang iniabot sa aking documents na nasa folder.
Mabilis na binuksan ko iyon at binasa.
"Opo. Balak po niyang i-renovate ang hospital at gusto po niyang ikaw po hahawak nito at mag-asikaso." Sagot naman nito sa akin.
Hindi lang Uphone ang business namin. Dahil sa umaasenso nagpatayo kami ng sariling hospital, mall, resorts at restaurants. Kaya kasama kami sa Top 10 na pinakamayamang negosyante sa mundo.
"Okay. Ako na bahala."
Saka naman bumukas ang pinto at iniluwa roon si Dylan.
Pagkalapit nito sa table ko, nag-bow muna ito bilang paggalang saka binigay sa akin ang folder na dala niya.
"Ito na po yung pinapa-asikaso nyo sa akin." Malumanay na sabi nito pero bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging malamig at walang ekspresyon sa mukha.
Kinuha ko naman iyon sa kanya. Pagkakuha, nag-bow ulit siya. Aalis na sana ito nang magsalita ako na dahilan napahinto ito sa paglalakad.
"Nahanap mo na ba si Tomas?" Tanong ko.
Bahagyang napahinto ito sa kinatatayuan. Di nagtagal, dahan-dahan tumalikod ito at humarap sa akin. Kita ko pa rin sa mukha niya ang pagiging malamig at kalmado.
"Hindi pa rin po." Nakayukong sagot nito.
"Pati pamilya niya?" Dugtong ko pa.
Bahagyang natahimik ito na kinutuban naman ako.
"Hindi pa rin po." Sagot na rin niya sa akin.
Tiningnan ko muna ito ng mataman habang nakayuko. Nakukutuban kong may tinatago si Dylan na ayaw kong malaman. Tama kaya na pinagkatiwalaan ko siya?
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...