ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pagkapasok namin sa bahay mabilis na nilagay ni Ros ang gin-rocery namin sa maliit na mesa na nasa sala. Ramdam namin ang lamig dahil nabasa kami. Mabuti nalang di nabutas yung paper bag. Kung hindi, baka kanina pa kami nagpupulot ng mga gin-rocery namin sa daan.
"Sino unang maliligo?" Tanong ko sa kanya nang papunta ako sa kwarto namin.
"Sabay na tayo." Nakangiting nakakaloko na sabi kaagad ni Ros.
"Suntok, gusto mo?" Sabay pakita ko ng kamao ko sa kanya.
Napa-pout na lamang siya.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto at kumuha ng damit pati tuwalya.
Di naman nagtagal, nasa loob na ko ng cubicle ng CR. Nilagay ko na sa lagayan ang damit kong pamalit at sinabit ko na rin ang tuwalya ko. Isasarado ko na sana ang pinto nang nagulat ako nang may humarang na kamay. Nagulat na lamang ako nang makita ko si Ros.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko kaagad dito. Mabilis naman sumilip ako sa labas. Baka kasi may tao, baka ma-chismis kami. Sabihin niyan may ginagawa kami.
"Sabay na tayo maligo." Parang bata na pamimilit nito.
"Hindi pwede. See? Lalaki ka saka babae ako? Bawal." Tanggi ko naman sabay nag-ekis sign sa kamay.
"Pero---"
Di napatuloy sasabihin ni Ros nang bumukas na lamang ang pinto ng CR. Taranta na pinasok ko kaagad si Ros sa loob at sinara ang pinto. Mabilis na hinawakan ko ang braso niya at nag-hush sign.
"Wag kang maingay." Walang boses na sabi ko sa kanya.
"Bakit kasi nagpasama ka pa. Magpapalit ka lang naman ng napkin e." Narinig naming sabi ng babaeng pumasok.
"Ayaw ko. Maulan pa naman, baka mag-brownout. Alam mo naman matatakutin ako." Sabi naman ng babae sabay pasok sa loob ng cubicle.
"Bilisan mo ah? Magvi-videocall pa kami ng jowa ko."
"Oo."
Hinihintay namin lumabas yung dalawa. Ayaw ko may nakakita sa amin ni Ros magkasama lalo na nasa iisang cubicle kami. Syempre, iisipin ng mga iyon may ginagawa kaming kababalaghan. Naku! Masyado pa naman mga chismosa mga naka-rent dito.
Si Ros naman takang bubuksan yung pinto na mabilis ko naman siyang pinigilan at pinalo ng mahina ang kamay. Pinandidilatan ko siya ng mata at pinapaintindi ko sa kanya na wag siyang makulit. Kasi isang galaw lang namin, sure kaming mapapansin kami.
Nakangiting nag-peace sign lang sakin si Ros.
Nang marinig naming lumabas na ang dalawa, dahan-dahan ko binuksan ang pinto at sumilip. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil umalis na sila at kami nalang ni Ros nandito.
"Oh! Labas kana. Wala nang tao-o..." Pagtingin ko kay Ros, di ko nalang napatuloy sasabihin ko. Nakita kong hinubad ni Ros ang kanyang damnit pantaas kaya tumambad sa akin ang kaputihan ng katawan niya at nakakaakit na abs niya.
Nakaawang lamang ang bibig ko habang nakatingin sa katawan niya. Binuksan pa niya yung shower at nakita ko naman ang braso niyang ang sarap sa mata. May muscle siya na di kalakihan pero tama lang nag laki. Ang puti talaga niya at...
"Ros!" Sigaw ko sabay takip sa mata ko. Tumalikod kaagad ako."Kanina ko pa ba pinagmamasdan siya? Naku! My eyes!" Sa isip kong sabi.
"Maligo na tayo." Sabi lang niya at narinig kong nagsimula na siyang maligo.
"Ros, you..you don't understand! Bawal nga maligo tayo ng sabay." Nakatalikod pa ring sabi ko. Ano bang gulo ang pinasok ko? Baka dito rin mawala ang kinahihinaan ko dahil may kasama akong umaakit sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...