ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Thank you po sa libre, sir." sabay nag-bow ako para magpakita ng galang at pasasalamat dito.
"Wala 'yon." Nakangiting sabi lamang nito.
Iniangat ko na nga ang ulo ko."Sige po, sir, alis na po ako."
Tumango lamang siya sa akin.
Tumalikod na nga ako at tumungo sa kinaroroonan ng pinto. Pagkalabas ko office ni Sir Johnser, nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko si...
Nakakatakot naman ang awra nito habang nakatingin sa akin.
"G-good afternoon, sir!" Nakayuko kaagad na bati ko, gumilid pa ako para bigyan ito ng daan. Kasama ni Sir Andrew ang kanyang assistant, pareho sila na matalim ang tingin sa akin.
Akala ko papasok na ito sa loob nang hindi nito tinuloy ang binabalak. Dahan-dahan nito binitawan ang pagkakahawak sa door knob at humarap sa akin. Nang mahuli kong nakatingin ito sa akin, mabilis na yumuko ako sa sobrang takot dito.
Ramdam ko hanggang loob ko ang matalim na tingin niya, kaunti nalang matunaw na ako dahil doon.
"So disgusting. Tsk!" Tila nandidiri na sabi nito. Napapailing ang ulo na pumasok na ito sa loob, sumunod naman dito ang assistant nito.
Naiwan akong natigilan at hindi makapagsalita. Hindi ko maintindihan bakit ganun na lamang nanlalakit ang paningin sa akin ang tito ni Sir Johnser. Sabagay, mahirap lamang ako at high school graduate lamang. Hindi ko ka-level sila na mayaman at mataas ang IQ---magandang school ang pinasukan.
Syempre, ilulugar ko ang sarili ko kung saan nararapat ako. Kailangan ko talaga umiwas kay Sir Johnser lalo na siya na ang papalit kay Sir Cedric. Iyon ata kinaiinisan ni Sir Andrew dahil ayaw niya napapalapit ito sa mahihirap na gaya ko at baka hilahin ko lang si Sir pababa.
JOHNSER SY POV:)
Pagkaalis ni Elizabeth, bumaling na ako sa laptop. Hindi pa nagli-limang segundo, narinig ko na lamang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ay si Tito Andrew.
"Tito," napatayo ako sa kinauupuan."Napadalaw kayo? May kailangan kayo?" Tanong ko dito.
"Gusto ko lang malaman kung ano na ang balita doon sa babaeng namatay sa roof top," wika nito sabay upo sa couch."Busy kasi ako kanina kaya ngayon-ngayon ko lang nalaman."
Lumapit ako sa kinaroroonan nito.
Umupo ako sa kabilang couch kaharap niya at nanatili namang nakatayo ang assistant nito di kalayuan sa kanya.
"Inaalam pa nila kung ano pangalan ng babaeng iyon. Ang pinagtataka ko, bakit nakasuot siya ng uniform ng janitress ng Uphone, hindi naman siya empleyado natin." pahayag ko.
Napahawak naman sa baba si tito na tila naka-amoy ng paghihinala."Nakakapagtataka niya at paano siya nakakapasok dito kung wala naman siyang ID."
"Nakakapasok siya, tito, dahil gamit niya ang ID ng nag-resign ng janitress. Kasi kada may nagre-resign, binabalik ang ID."
"So, ibig mong sabihin, ninakaw mula sa HR ang ID ng mga nag-resign?" dugtong ni Tito.
Marahang tumango naman ako bilang pagsagot sa tanong nito.
Napaisip lalo si tito halos napatingin ito sa ibang direksyon."Ibig sabihin lang iyon, may spy dito at posibleng matagal na silang nagmamanman." naghihinalang turan niya.
"Sino naman kaya, tito? Sino naman ang kalabang gustong sumira ng Uphone?" tanong ko.
CEDRIC SY POV:)
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...