Pagpapatuloy...
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Sandali! Sino ako? Taga saan ako? Wala akong maalala."
Natigilan naman kami sa sagot nito.
Napaawang pa ang labi ni Anthony habang turo ito. "W-wala ka naaalala? Kahit ni isa?"
Napayuko ang lalaki at pilit inaalala ang lahat. Dahil bigo pa rin maalala ang lahat, naisapo na lamang nito ang noo'ng may benda. Napapailing pa ito dahil sa problema.
"Bakit wala akong naaalala?" Malungkot na pahayag nito.
Naawa naman ako dito.
****
"Sige, po. Mag-iingat po kayo, Kapitan Tiko. Salamat po." Nakangiting paalam ko na dito.
"Sige."
Umalis na nga ito kasama ang mga tanod at mga kagawad. Naiwan kami dito sa hallway ng apartment kung saan nasa tapat kami ng kwarto ko. Nang makaalis naman ito saka naman sumulpot sa likuran ko si Ros.
"Are you serious? Papatirahin mo siya dito?" Tanong na lamang nito. Sa tono nito ang di pagsang-ayon.
Tumango kaagad ako.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak ng pulsuhan ko.
"Ayaw ko." Parang bata na maktol ni Ros halos nag-pout pa siya.
"Bakit naman?" Natatawang sabi ko. Nakakatawa ng reaksyon niya na akala mo batang ayaw mag-share ng pagkain.
"Basta!" Parang bata pa ring umasal na sagot nito.
"Bakit nga kasi? Sabihin mo na." Di mawala ang ngiti sa labi na pamimilit lo dito. Halos hinawakan ko pa ang manggas ng damit niya at hinihila-hila.
"Tara na nga."
Nauna na itong pumasok sa loob. Nakangiting sumama na rin ako dito. Pagkapasok namin, naabutan namin sila Anthony na nagtatawanan at mukhang naging kaibigan na nila kaagad yung lalaki.
"Naku! Siguro, one month kami nagtiis kay Ros para makausap siya at one month rin kaming nosebleed." Natatawang sabi ni Bossbrad dito.
Tumawa naman ang lalaki. Napatingin na lamang ito kay Jake nang magsalita.
"Buti nalang marunong kang magtagalog. Kung hindi, baka patay na kami dahil sa marami nang dugong nilabas sa ilong namin." Pabirong sabi nito at nagtawanan naman sila.
"Bakit n'yo ko pinag-uusapan ng patalikod?" Sulpot ni Ros.
Napatingin naman ang lahat dito.
"Speaking of the witch, andyan na siya." Saad ni Anthony.
"Anong witch? Baka devil?" Napataas-kilay na pagko-correct ni Jake sa sinabi ng kaibigan.
"Baka speaking of the demon?" Kontra din ni Jero kay Jero.
"Speaking of the angel yun. Tanga!" Sulpot naman ni John sabay batok sa dalawa.
"Masakit yun ah?!" Sabay turan ng mga ito at pagalit na nakatingin dito.
Naupo naman si Ros sa tabi ni Anthony. Lahat sila nakaupo sa lapag habang napapalibutan nila ang maliit na mesa. May nakalapag doon na mga junkfoods na bulas na. Mukhang trip nilang hindi maupo sa sofa at sa lapag silang lahat nakaupo at magkakaharap.
Ako naman ay naupo sa pag-isahang sofa habang nasa likod ako ni Ros.
"Ros, ano magandang ipangalan sa kanya pansamantala?" Nakangiting baling sa kanya kaagad ni Bossbrad pagkaupo niya sa tabi nito. Kumuha ng piatos at kinain habang nakatingin parin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...