Pagpapatuloy...
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nakita ko nalang na nasa harapan ko ang mukha ni Ros. Pumikit-pikit pa ko baka namamalikmata lang ako. Pero habang nagiging clear na ang paningin ko, si Ros nga ang mukhang nasa harapan ko. Nanlaki mata ako dahil totoo ngang si Ros ang nakikita ko. Nakatingin ito sa akin at ngumiti ng napakatamis na nagpagising sa pagkatao ko.
"Good morning, Lady Beth." Magsiglang bati nito.
Bumangon ako pagkakahiga saka naman umayos ng pagkakaupo sa kama si Ros. Humigab muna ako bago tanungin siya.
"You wake up earlier, why?" Tanong ko sa kanya.
Di pa masyadong maliwanag ang kalangitan e. Nakikita ko sa bintana, papalabas palang ang araw.
"Take a bath and cook, Lady Beth. I will sent you to your work." Sweet na sabi nito at di nawawala ang ngiti nito.
"Yes, I will. I'm going to cook our breakfast." Sabi ko.
"Yehey!" Parang bata talaga na sambit nito."Okay, I will take a bath." Sabi nito at nagmadaling tumayo at sinuot ang tsinelas na pambahay.
Napatawa nalang ako kasi muntikan pa siya matumba dahil sa pagmamadali niyang paglabas ng kuwarto halos di pa masyado nasusuot niya ang tsinelas.
Tatayo na sana ako sa pagkakaupo sa kama nang makita ko ang sapatos na binili ni Ros. Inaalala ko pa rin yung kagabi na sinabi niya.
"If your first pair of shoes reminds of your mother, that shoes reminds of me. Every time you wear that shoes, I'm with you. Wherever you go, I am always on your side. You're not alone and I will never leave you. I give you that pair of shoes because I want to say thank you. I'm lucky because you adapt me and god sent you for me. Not only that, but I want to make you happy even in a simple gift, Lady Beth."
Napangiti nalang ako nang maalala iyon. Sa totoo lang talaga, kinikilig ako. Gusto ko pa kasama siya at gusto nasa tabi ko lang siya. Natatakot ako pag bumalik na ang alaala niya, malaman niya kung saan siya nagmula, baka iwan na niya ako. Para bumalik sa pamilya niya. Yan lang naman kinatatakutan ko mangyari.
Napahawak ako sa pisngi ko. Naramdaman kong mainit ang mukha ko. Halata ngang kinikilig nga ako kay Ros.
"Hayst! Ba't kasi ang sweet ng batang iyon. Baka ma-inlove ako sa kanya." Mahinang turan ko sabay pinagsasampal ng mahina ang mukha ko."Wait." Biglang may naalala ako. Napa-cross arms nalang ako."Saan siya nakakuha ng pera pambili ng sapatos na ito?" Takang tanong ko habang kinakausap ko ang sarili ko.
Tiningnan ko ulit ang lagayan ng sapatos na binili ni Ros at kinuha ko iyon. Nanlaki mata nalang ako nang makita ang presyo nito.
"Oh my gos!" Bulalas ko sa gulat."Ano? 3,450 pesos?! Saan siya nakakuha ng malaking perang pambili nito?!"
Biglang naalala ko nalang ang kahapon.
**Flashbacks**
"How can you speak and understand Tagalog? How come you know every one here? And how they know your name?" Sunod-sunod na tanong ko dito.
Lahat ata na nakakasalubungan namin, kilala siya. Kahit mapabata man o mapa-dalaga, kilala siya at binabati siya. Nakakapagtaka lang, di pa siya nagtatagal ng two weeks dito pero dami na nakakakilala sa kanya. Mukhang ang dami na niyang close dito.
"Maliit na bagay lang." Sagot nito sakin sabay ngumiti ng pilyo.
Aba't! Tama ba narinig ko?! Sinabi niya yang tagalog na iyan? Marunong na siya mag-tagalog? O talagang marunong talaga siyang mag-tagalog?!
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...