PUBG/RYAN POV:)
Nagising na lamang ako nang umalingawngaw ang doorbell sa buong sala. Pupungas-pungas na bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa habang balot na balot ang sarili ko ng kumot. Tumingin pa ako sa bintana at nakita kong pataas na rin ang araw. Sumunod na tingnan ko ang orasan na nasa ding-ding, alas sais palang ngayon ng umaga.
Bumangon na ako sa pagkakaupo sa sofa at humihikab na tumungo ako sa pintuan nang patuloy pa ring nagdo-doorbell ang misteryosong panauhin namin ngayon.
Pagkarating, tiningnan ko muna ang maliit na TV doon para makita kung sino ang bisita. Nanlaki mata na lamang ako nang makita ang bisita.
Tarantang tumakbo kaagad ako sa kinaroroonan ng kwartong pinagtulugan ng dalawang magkasintahan. Dahil sa taranta hindi na ako nakapagkatok pa at binuksan ko kaagad ang pinto.
"Ate Beth! Kuya Ros!" Tawag ko.
Nagising naman ang dalawa halos humikap pa ang mga ito.
"Bakit?" Tanong ni Ros sa akin pagka-hikab at humiwalay sa pagkakayakap kay Beth.
"S-si ano n-nandyan!" Di ko mapatuloy na sabi ko.
Bumangon sa pagkakahiga si Beth habang kinukusot ang mata at tumingin sa akin."Sino?"
"Si Sir Johnser, nandyan!" Sa wakas nasabi ko rin.
"Ah?!" Bulalas niya. Nagmamadaling bumangon naman ito sa pagkakahiga."R-ros, labas na! Kayo na mag-entertain kay Sir tapos magluluto na ako ng almusalan natin." Utos nito kay Ros."A-anong oras na?" Tanong niya sa akin pagkalabas ng kwarto halos gumilid pa ako para makadaan ito.
"Alas sais na."
"Patay! Magluluto na ko, alas 8 pasok ko ngayon." Tumakbo na nga si Beth papuntang kusina. Nalimutan ata niya mag-alarm. Sabagay, alas 12 na kaming lahat natuloy, late na din kasi umuwi sila Bossbrad.
Pagkalabas din ni Ros sa kwarto, nakita kong may hawak na itong tuwalya."Maliligo na ko, ikaw na muna bahala kay Bok."
"P-pero---"
Tumungo na nga ito sa CR at ako naman ay naiwan na napakamot sa ulo.
"Bahala na nga!" Sabi ko nalang.
Tumungo na ako sa pintuan para pagbuksan ito ng pinto.
ROSE PADILLA POV:)
Abala ako sa pagluluto ng umagahan namin ni Jonas nang bigla na lamang magwala ito. Nakita kong kinalat nito ang mga nakahandang mga plato sa mesa.
"Nakakainis!" Sigaw nito at sinabunot nito ang buhok.
"J-jonas, may problema b-a..."
"Ano sa tingin mo ah?!" Singhal nito na dahilan di ko tinuloy ang sinasabi ko."Natalo na naman ako kagabi sa sugalan. Nakakainis yung Frederick na 'yon! May araw din sakin 'yon. Tsk!" Inis na wika nito."Ano ba umagahan natin?!" tanong nito.
Lumapit ito sa kinaroroonan ko kaya mabilis na bumaling ako sa pini-prito ko.
"H-hotdog." nautal na sagot ko. Hindi pa ako nakaka-pamalengke ngayon at hindi ko pa sweldo. Naubos na lahat ni Jonas ang pera galing sa pakikisiping ko sa iba't-ibang lalaki kaya hotdog lamang ang nabili kong umagahan namin ngayon.
"Hotdog na naman?!" Galit na saad nito.
Takot na napatingin naman ako dito nang tumaas na naman ang boses nito.
"P-pasensya na. Bente nalang kasi natitirang budget natin kaya 'yan lang nakayanan na bilhin ko ng ulam natin. Ginamit mo na kasi yung pera na na-raket ko sa pagsusugal mo pero hindi bale, hindi na ako magko-compute papuntang work, maglalakad nalang ako mamaya." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...