ELIZABETH VILLAPORTE POV:)
"Beth, tara! Punta na tayo ng peryahan!" Sigaw ni Lemuel sabay pasok sa loob ng bahay.
Nag-aayos na sila Ros at Sir Johnser habang ako ay kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan at nilalagay ko na ang mga pinggan sa lagayan nito.
"Oo, sandali lang. Tapusin ko lang ito," sagot ko kaagad dito sabay punas ng basa kong kamay sa telang nakasabit sa pako.
Kakatapos lang namin kumain at may lakad nga kami ngayon. Papunta kami ngayon ng peryahan para mag-enjoy at manood na rin ng sayawan. Desperas na bukas ng fiesta dito at bukas rin matutuloy ang Reach-out Program na naudlot dahil sa sama ng panahon kaninang umaga.
Naglakad na ako papuntang pintuan nang sumulpot kaagad doon si Ros."Di ka pa tapos?" Tanong nito sa akin.
"Kakatapos lang," sagot ko dito. Binigyan naman ako nito ng daanan sa pintuan."Tara na? Okay na itong suot ko. Sa court lang naman," yaya ko.
Paglabas namin ng pinto, nakaabang na sa amin si Lemuel, nasa bulsa ng jacket ang kamay nito. Medyo malamig ngayon dahil na rin umulan kaninang umaga. Mabuti nalang hindi na makulimlim ang kalangitan, kitang-kita na mula rito ang mga nagniningning na mga bituin at liwanag ng araw.
Pagkalabas ko ng bahay, lumabas na rin si Ros at si Sir Johnser. Naka-jacket silang tatlo at mukhang ako lang ang hindi. Naka-shirt lang ako ng yellow at naka-pedal.
"Tara na," sabi ko at magsisimula na sana maglakad nang may humawak sa balikat ko para pigilan sa binabalak ko.
May jacket nalang na pumatong sa balikat ko at slow motion na lumingon ako para makita ang taong may gawa iyon.
"Malamig ngayon at baka lamigin ka," napaka-romantic na sabi nito. Pagkasuot nito ng jacket sa akin, sunod na inayos niya ang hood ng jacket at nilagay iyon sa ulo ko."Para hindi ka sipunin. Mas mabuti nang makasiguro." Dagdag pa nito.
Tulala lamang akong nakatingin sa kanya at hindi ko magawang makapagsalita. Tila naipit ang dila ko ng malaking bato na parang pinipigilan makapagsalita. Dahil sa kakaibang nararamdaman, naririnig ko ang tubig ng puso ko.
Bakit napaka-swerte ko kay Ros? Binigyan ako ni God ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Ayaw ko na siya mawala sa akin.
"Ehem, ehem!" Kunyaring umuubo si Lemuel.
Dahil doon, napahiwalay naman kami kaagad ni Ros nang bumalik ang aming matinong pag-iisip. Nakita naman naming nakatingin si Sir Johnser sa aming dalawa ni Ros at nagkaroon ng malisya sa mukha niya.
Nagtataka na ba siya sa relasyon namin ni Ros?
"Aba! Napaka-sweet naman ng magkapatid na ito," sulpot ni Lemuel. Tila niligtas kami ni Lem dahil napansin nitong nagkakaroon na ng malisya sa mukha ni Sir habang nakatingin sa amin.
Mabuti nalang isang tunay na kaibigan si Lemuel. Kung hindi baka tuluyan nang mabuking kami ni Ros.
"T-tara na?" Nautal na yaya na ni Ros sa amin para maputol na ang mainit na scene na ito.
"Sige---" di napatuloy ang sasabihin ko nang makitang kakarating lang ni Sir Dylan kasama si Miss Mandy.
Sandali? Nalimutan namin sila ah? Kakauwi lang ba nila galing bundok? Ano oras na? Mabuti nakayanan nila makauwi e alas syete na ng gabi at walang street light sa pinuntahan nila. Bakit ngayon lang sila nakauwi?
"Saan kayo p-pupunta?" Hinihingal na tanong ni Sir Dylan sa amin. Mukhang pareho silang tumakbo ni Miss Mandy pauwi dito, hinihingal pa sila pareho.
"Dapat kayo ang tanungin namin. Kakauwi n'yo lang mula kanina?" Balik tanong ni Ros dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...