ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Kanina ko pa pinapanood ang tatlo na naglalaro ng color game dito sa peryahan. Para silang magkalaban. Kada tataya sila sa mga kulay, matalim ang tingin ang tinatapon nilang tatlo. Akala mo'y pagalingan sila sa larangan ng larong ito.
Matalim ang tingin na tiningnan ni Ros sila Lemuel at Sir Johnser sabay tumaya sa kulay puti. May talim rin sa mata na tumaya rin si Lemuel sa kulay yellow at ganoon rin si Sir Johnser. Tumaya naman siya sa kulay puti.
Napansin ko ngang mas maraming tao sa pwesto namin kaysa sa ibang palaro dito sa peryahan. Dahil pinagkakaguluhan nga ng mga ito ang mga kasama ko. Sabagay, ang guwapo naman kasi ni Ros at Sir Johnser at syempre sikat sila dito dahil bago ang mukha nila sa barangay namin.
Mapabata at kabataan, kinikilig habang minamasdan nila ang mga ito. Kahit mapatanda, nandito rin, nakikipag-tilian din.
"Iyan ba 'yong magpapa-reach out program dito?" Narinig kong tanong ng matanda sa katabi nitong mga babaeng kabataan.
"Oo. Lahat sila galing maynila. Lahat sila nagtatrabaho sa Uphone, Sumex at All Day Shop." Sagot naman ng babae dito."Ang guwapo nung naka-jacket na gray," kinikilig na turan nito.
"Oo nga. Napaka-hot naman nung naka-jacket na black," payag naman ng kasama nito.
"Naku! Ibibida ko din si Lemuel, kahit moreno pero napaka-guwapo niya," tila di papatalo na sabi ng matandang babae.
Napakamot na lamang ako sa leeg dahil sa narinig na chismisan ng mga ito.
Nagsimula na ngang mag-roll ang dice at ang lubas na kulay ay...
"White! Yes! White!" Masayang sabi ni Ros nang lumabas ng triple ang kulay puti. Inasar naman niya ang dalawa sa pamamagitan ng pag-iisip bata nito, binelatan.
Habang tumatagal sa paglalaro sila Ros, dumadami na rin ang tao ngayon dito. Mag-aalas diyes na rin ng gabi at marami nang ibang barangay ang dumayo sa lugar namin para makisayaw at maglaro dito sa peryaan.
"Excuse!"
Napagilid na lamang ako nang may mga kabataan na sumingit sa pwesto ko kaya ang nangyari, hindi ko na mapapanood ang paglalaro ng tatlo. Balak ko sana sumingit ulit para lumapit kila Ros nang may humawak na lamang sa braso ko.
Napalingon naman ako sa kumalabit sa akin.
"Hey, Beth! Kumusta? Long time no see,"
Bahagyang nagulat ako nang makita si...
"Elizabeth, kumusta na? Pumuti ka ata," sabi ng babaeng bagong dating.
"Balita ko nagpa-maynila ka. Kakauwi mo lang?" Nakangiting tanong naman ng isang babae na bagong dating rin.
Matagal ko ring hindi sila nakita. Dahilan na rin tumigil ako sa pag-aaral at sila ay napagpatuloy nila ang pag-aaral sa kolehiyo. Napatingin ako sa kasama nilang tatlo, may kanya silang lalaking kasama at mukhang boyfriend nila ito.
Kaklase ko sila mula elementary at high school. Hindi ko masasabing kaibigan ko sila pero nag-uusap naman kami. May time nga lang binu-bully nila ako dahil sa buhay ko. May kaya kasi sila samantala ako noon palaging late pumasok at gusot-gusot ang damit. Maputi sila at kabaligtaran naman sa akin na palaging nabibilad sa araw dahil sa bukid.
Nakaramdam rin ako sa kanila ng inggit dahil swerte sila dahil maganda ang buhay nila. Lalo na nakapag-aral sila sa kolehiyo kaysa sa akin na tumigil ako dala na rin sa kahirapan namin. Pero tinuruan ako ni mama na makuntento sa kung ano meron sa akin. Magpasalamat sa diyos pag may biyayang dumarating.
"Ah, oo. Kasama ko mga boss ko dito sa amin," sagot ko sa kanila.
"Bakit? Ano trabaho mo saka bakit nandito ang boss mo?" Tanong ni Jaylyn, ang babaeng nangalabit sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...