ZERO POV:)
Maingat na binuksan ko ang pinto ng office ni Mr. Andrew Sy. Bago pa man pumasok sa loob, sumilip pa ako sa paligid para makasiguro na walang taong makakakita sa kanya. Nang ma-check na walang katao-tao, tahimik na pumasok siya sa loob.
Pagkasarado, maingat na tumalikod siya at pinagmasdan ang paligid ng office. Nang ma-confirm niyang wala ngayon si Mr. Andrew, maingat na naglakad siya papunta sa table nito para makahanap ng ibedensya na magbubunyag sa ginawa nitong pagtangkang pagpatay sa pamangkin nitong si Jayson Clive, ang anak ng kanyang kapatid na si Cedric Sy.
Narinig ko na lamang ang isang boses na nagsasalita sa labas ng pinto. Mabilis na naghanap siya ng pagtataguan nang may paparating na tao. Mabilis siyang nagtago sa likod ng sofa at siniksik ang sarili doon para hindi siya nito mahuli.
"Nagawa mo na ang pinapagawa ko? Nakuhanan mo na na siya ng buhok?" Boses palang nito na alam kong si Mr. Andrew iyon. Naglakad ito papunta sa table nito.
"Nagawa ko na po," tila boses iyon ng assistant nito.
"Good." Sagot nito sabay upo."Pumunta kana sa kinaroroonan nila Johnser. Kunin mo rin ang hibla ng buhok ng janitress na 'yon..." Utos nito na may ngiting nakakaloko.
"Masusunod po." Nag-bow muna ito bago umalis.
Pupunta siya sa Bicol kung nasaan ang kinaroroonan ni Sir Dylan. Makikita ng assistant ni Mr. Andrew na buhay si Clive at mabubuking na kami. Kailangan kong pigilan at sundan siya para hindi nito makita na buhay pa si Clive.
Nakarinig na lamang ako ng vibrate at alam kong hindi iyon sa akin. Narinig ko namang sinagot iyon ni Mr. Andrew.
"Bakit?"
"Sir, nakita na po namin kung saan kinaroroonan ng kapatid ni Tomas." Naka-loudspeaker na narinig ko.
Nanlaki mata naman ako sa narinig.
Paanong natagpuan nila ang kinaroroon ni Ryan? Sino ba talaga si Andrew Sy? Bakit ang lawak ng koneksyon niya at nahanap niya kaagad ang kapatid ni Ryan? May tinatago ba ito?
Napatayo naman sa kinauupuan si Mr. Andrew sa nalaman.
"Ano gagawin namin sa kanya, boss?" Tanong pa nito habang nasa kabilang linya.
Napangiti naman ng nakakaloko ito."Dukutin n'yo at dalhin n'yo sa hideout," utos niya sa tauhan niya.
"Masusunod, boss!"
Mas lalong nanlaki ang mata ko sa narinig.
****
Mabilis na sumakay kaagad ako ng kotse at pinaharurot ito. Bago ko sundan papuntang bicol ang assistant ni Mr. Andrew, ililigtas ko muna ang kapatid ni Tomas, si Ryan. Tumungo kaagad ako sa bahay nila Elizabeth, natagpuan kong wala sila doon.
Pumasok na lamang sa isip ko ang lugar na maaring pinagtatambayan nila ng mga kaibigan niya at maaring nandodoon sila ngayon. Tarantang pinaharurot ko ulit ang sasaktan at pinuntahan ang lugar na iyon.
Nakita ko namang sinakay ng mga armadong lalaki si Ryan sa loob ng van. Hinabol naman ito ng mga kaibigan nito. Pinaharurot ko ang sasakyan para habulin ito. Nang mahabol ko ito, lakas loob na marahas na binangga ko ang sinasakyan nito.
Nawalan ng balanse ang van kaya tumama ito sa poste.
"Maraming salamat po." Sabay-sabay na pasalamat ng kaibigan ni Ros at Ryan sa akin halos nagbow-bow pa ang mga ito.
Nandito na ang mga pulis at inaresto ang mga lalaking tumangkang kumidnap kay Ryan. Wala ito ng malay at idadala ito sa hospital.
"Wala 'yon. Sige, mauuna na ako. May pupuntahan pa ako." Pagmamadaling paalam ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...