Mr. Stranger 15:

1.4K 41 2
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nagising nalang ako sa ingay. Rinig kong para bang may nagsisigawan sa labas. Siguro nag-aaway na naman yung laging lasing dito sa barangay namin. Kaaway nito ang asawa dahil pinapagalitan na naman ito dahil puro inom nalang ang inaatupag.

Bumangon ako sa kinahihigaan at napahikab. Pagkatapps ay napakamot ako sa gusot kong mga buhok. Sabay tingin sa maliit na bintana kung saan tumatama na sa aming kama ang sikat ng araw.

Nakita kong bumangon na rin si Ros sa pagkakahiga halos humikab pa ito ng malakas. Sabay tingin sa akin na halatang antok pa rin. Kahit gusot ang buhok niya, di pa rin nawawala ang kaguwapuhang tinataglay niya.

"Good morning." Bati ko kay Ros.

"Goodmorning too." Walang buhay pero tono pa rin ng isang bata.

Napakunot-noo na lamang ako dahil kakaiba ang tingin niya sakin. Sumasabay ang kakaibigang titig niya ang bibig niya na nagpa-pout. Nagulat nalang ako nang lumapit sa akin bahagya si Ros at napasinghap ako ng bahagya nang nilapit niya ang mukha niya sakin. Halos di ako makatingin sa kanya dahil ang lapit ng mukha niya sakin.

Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa aking pisngi at di ko maisawasang magulat sa ginagawa niya. Ang lapit ng mukha niya sakin. Feeling ko ang kunti ng space, mahahalikan na niya ako.

Yung puso ko kumikislot na naman. Umiinit ang paligid ko ngayon at yung tiyan ko parang may problema. Parang may paru-paru na nagliliparan doon. Feeling ko namumula na ako.

"W-why?" Bahagyang nautal na tanong ko dito at ramdam ko pa rin ang tensyon na iyon. Di ako sa kanya makatingin dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sakin.

Di siya umimik. Dahan-dahan tiningnan ko siya kaso di ko maigalaw ang mukha ko kundi ang mata ko lamang. Isang galaw ko lang, magdidikit mga labi namin.

"Why? There's any problem, R-ros?" Bahagyang nanginig ang boses ko na tanong ko dito.

Umayos na ito ng upo. At mabuti nakahinga na ako ng maluwag. Di na malapit ang mukha niya sakin.

Takang tinitigan ko siya. Pero nararamdaman ko pa rin ang init ng mga pisngi ko.

"You don't have a work?" Tanong nito.

"Work? Why----" Nanlaki mata nalang ako nang maalala na may trabaho pala ako ngayon."Luh! Anong oras na? Late na ko!" Nanlalaking mata na sabi ko agad at dali-daling bumangon.

Dali-dali sinuot ko ang tsinelas kong panloob ko at kinuha agad ang tuwalya sa kabinet kong maliit. Nagmamadaling lumabas na ako para maligo.

Tae! Ba't late na ko nagising? Mag-aalas 6 na pala ngayon. Mali-late na ko! Napasarap tulog ko sa kakatitig kay Ros kagabi habang himbing na himbing ito matulog.

**Flashbacks**

"Why are you here in Manila? Lady Beth, are you looking for someone or something?" Tanong ni Ros sakin habang nakahiga kami sa kama kagabi at nakasulyap kami pareho sa kisame.

"I'm here to find my father, Ros. My mother told me to find my real father here. I live in the province without my father. My only guide when I was in province is my mother. I was grown in there. That place is my real home." Kwento ko dito.

"Did you found your father?" Tanong pa rin nito nang humiga ito ng paharap sakin. Bahagyang nakatingin siya sakin habang nakatanaw lang ako sa kisame.

"Not yet, I forgot his real name. My mother told me his real name but I forgot it. I don't know where to start finding my father." Kwento ko pa rin sa kanya.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon