Chapter 86:

288 12 6
                                    

ANTHONY DURAN POV:)

"Ma, ayaw ko nga magtrabaho." Pagmamaktol ko.

Tiningnan naman ako ni mama ng nakakatakot na tingin na akala mo pusa na gusto mangamrot. Parang aso na natakot naman ako, nagtago ako sa likod ng kurtina.

"Ros, bitbitin mo na yan kaysa ako kumalakkad diyan palabas. Hehehe." Nakangiting pilit na baling nito kay Ros.

"Sige po." Nakangiting payag ni Ros."Bossbrad, let's go!" Yaya na nito sa akin.

"Ayaw ko." Naiiyak na sabi ko.

"Tara na, bossbrad. Sayang ang opportunity. Andyan na yung trabaho, papakawalan mo pa ba?" yaya ni Jero.

Naiiyak na umiling-iling ako. Ayaw ko talaga magtrabaho, tinatamad ako. Gusto ko humiga lang maghapon at maglaro ng ROS.

Nagtaka naman ako na nagsilapit sa akin ang tatlo. Hindi inaasahan, binuhat nila ako at kinaladkad palabas ng bahay. Parang bata na umiiyak naman ako.

"Ros, ikaw na bahala kay Anthony ah?" Bilin ni mama kay Ros.

"Opo, Aling Martha."

"Alis na po kami!" Paalam na nila Jero dito.

Umalis na nga kami habang buhat ako nila Jake, John at Jero. Tahimik naman na nakasunod si Ryan at Ros sa amin.

"Ibaba n'yo na ko!" Suway ko sa tatlo pagkalabas na ng apartment.

Binaba na nga ako ng mga ito. Mabilis ko naman ito binigyan ng tag-iisang mahinang sapok sa ulo.

"Umayos kayo. Nakakalimutan n'yo atang boss n'yo ko?" pa-galit na sabi ko.

"Bossbrad naman!" pumaikot ang kamay ni John sa braso ko na kinadiri ko naman sa ginawa nito."Wag kana magalit, hmm?" Nagpapa-cute na sabi nito sabay pikit-pikit ng mata.

Niyakap din ni Jake ang kabilang braso ko na napatingin naman ako dito."Ngingiti na yan. Hmm?"

Gumaya din kay John na nagpapa-cute ng mga mata.

"Hays!" Padabog na iwinaksi ko ang kamay ko. Nagtagumpay naman nabitawan ako nito."Bakla talaga kayo. Tara na nga!" Walang magawa na sabi ko na lamang, nauna na ako naglakad.

Natawa naman sila na sumunod na sa akin. Papunta kami ng kompanya ni Mr. Kailes, magsisimula na kaming magtrabaho doon. Hindi sana mangyayari ito kaso pinilit ni mama si Ros na papasukin ako at baka may bakanteng trabaho doon. Imbes mag-aral daw ako, tambay lang ako at puro computer. Para naman daw may pakinabang ako, magbalat buto daw ako.

Ano pa ba magagawa ko? Mukhang trabaho at mukhang pera si mama. Hindi na iyon maaalis kay mama at nagustuhan ko din ang ugali niyang iyon dahil mahilig siya nagtago ng pera. Ang trabaho lang naman ni mama ay nagpapautang at nagsisingil. Malaki din tinutubo namin sa pautang niyang iyon.

"Oo nga pala," tumigil ako sa paglalakad at hinintay na makasabay sa paglalakad si Ros."Nasaan si Elizabeth?" Tanong ko nang maalala.

"Nauna na siyang pumasok. Opening kasi siya ngayon."

Tumango-tango na lamang ako.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nasa harapan ako ng office ni Sir. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Sobrang kinakabahan ako ngayon at hindi ko alam ano gagawin ko. Lalo na nangyari kahapon na hinalikan niya ako.

Siguro hindi iyon sinasadya ni Sir. Alam kong nadala lang siya sa damdamin niya. Hindi na dapat ako mag-isip pa ng kahulugan na iyon basta alam ko, aksidente lang iyon.

Kailangan ko maging normal, kumilos ng dating Beth noon pag kausap at kaharap siya. Wala dapat ako kabahan. Tama nga, kalimutan ko dapat iyon na may nangyaring ganoon kahapon. Iisipin ko nalang na walang nangyari ngang gano'n.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon