Mr. Stranger 43:

551 22 1
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nang magising ako, naalala ko bigla ang sapatos ko. Dali-dali kinuha ko sa night table ang cellphone ko para makita kung ano oras na. Alas dos na ng umaga at kailangan ko patuyuin ang basa kong sapatos. Wala akong susuotin ngayon at kailangan gumawa ako ng paraan para matuyo ko iyon kaagad.

Mabilis na bumangon ako sa pagkakahiga at tumakbo papuntang pintuan. Napatigil na lamang ako sa pagbukas ng pinto ng ma-realize na wala si Ros sa aming kinahihigaan. Takang nakarinig naman ako na parang may nagbo-blower. Mabilis na binuksan ko ang pinto at tinungo ang nangagaling na tunog na iyon. Nakita ko nalang si Ros nasa kusina, nasa lababo habang bino-blower ang sapatos ko. Nakaramdam naman ako ng saya sa puso ko. Sa effort niya iyon, sobrang 100% ang kilig na naramdaman ko sa ginawa niya.

Napatingin naman si Ros sa kanyang likuran at nakita naman niya ako.

"Oh? Gising kana? Matulog ka ulit. Ako na bahala magpatuyo nito sa sapatos mo." Nakangiting sabi nito.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya."Huwag na. Nakakahiya sayo---"

"Matulog kana ulit. Ako na bahala dito." Tanggi nito na dahilan di ko napatuloy ang sinasabi ko. Pinagpatuloy lamang niya ang pagbo-blower sa sapatos ko na regalo niya sa akin.

"Saan ka nakahiram ng blower?" Tanong ko sa kanya. Wala naman kaming blower, saan naman kaya siya humiram? At ang talino niya ah? Blower ginamit niya pampatuyo ng sapatos ko.

"Kay Bossbrad." Nakangiting sabi nito nang bumaling sa akin sabay kindat.

Namula naman ako sa ginawa niya. Ang guwapo niya kasi saka nakakaakit pag kumikindat siya. Bakit kasi ang guwapo ng Mr. Stranger na ito. Grrgh!

"Salamat." Pasalamat ko sa kanya.

Ngumiti lang siya ng matamis sa akin. Nakangiting iniwan ko na nga siya at bumalik na sa aming kuwarto para matulog ulit. Bago pa ko makalabas ng kusina, sinulyapan ko pa siya na nakangiti at naeenjoy sa pagbo-blower ng sapatos ko. Halos kinakausap pa niya ang sapatos ko sabay bahagyang pinunasan ng wrist niya nang may makitang dumi.

"Dapat matuyo ka ah? Para di bumaho ang paa ni Lady Beth." Sabi niya sa sapatos ko.

Nakangiting nagpatuloy na nga ako sa pag-alis.

MANDY YU POV:)

"Andyan na si Dylan?" Tanong ko kaagad pagkabukas ng pinto.

Nagulat naman si Kuya Ramon halos napahawak sa puso. Mukhang kakarating lang niya. Ano na nga ba oras ngayon? Alas 7 palang ng umaga.

"W-wala pa. Baka padating na iyon, Miss Mandy." Nautal na sagot nito.

Sinarado ko na nga ang pinto at umalis. Napapakagat labi na lamang ako habang naglalakad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit gusto ko siyang makita. Sa totoo lang, parang namimiss ko na ang mokong na iyon kahit wala naman maganda sa mukha niya. Maganda lang katawan niya pero di siya kaguwapuhan tulad ni Johnser na pang-modelo ang katawan at looks.

Bakit naman kasi hinahanap ko siya. Di ako napapakali pag di ko siya nakikita. Mula pa kahapon, para na kong tanga sa kakaisip sa kanya. Ano ba siya sa akin? Naiinis na ko sa sarili ko. Grrgghh!

Bahagyang napahinto ako sa paghakbang nang makita si Dylan. Naglalakad na siya papalapit sa kinaroroonan niya. Tila sumigla ang puso ko nang masilayan ito. Slow motion na naglalakad ito at tumingin sa akin. Nang magtama ang mata namin, parang nangingislap ito sa kaguwapuhan at napaka-hunk niya sa paningin niya dito. Tila isang paro-paro na lumilipad na nararamdaman niya sa loob ng kanyang tiyan sabayan pa ang kanyang puso na kumakalabog kaylakas-lakas. Kulang nalang lumabas ito at tumambling kahit saan. Dahil sa weird na nararamdaman ko, nawawalan na naman ako sa tamang pag-iisip.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon